Chapter 1- Kaden Zeyn Caciendero

324 7 0
                                    

    Pumasok ako sa loob at ang lahat ay nagkakasiyahan na. Marami na ang nagsasayaw at umiinom. Bumalik naman ako sa pwesto namin kanina at naabutan ang mga kaibigan kong nagtatawanan.

    Nang papalapit na ako nang papalapit ay napansin ako ni Trisha. Agad siyang tumayo at napatingin naman ang lahat sa akin. Shan was also there, sobrang gulo ng buhok niya na kanina ay perpektong-perpekto ang pagkakaayos.

    Bigla akong napahinto nang makita ko ang blazer na nasa balikat ko pa rin. Shet, nalimutan kong isauli. Saan ko naman hahagilapin ’yon, sa laki ba naman ng gym na ito at napakaraming mga estudyanteng nagkakatuwaan at nagsasayawan.

    “Alice, saan ka ba nanggaling? Pinapahanap kita kay Kali. Nag-aalala na kami sa'yo,” may halong kaba sa boses nito.

    “Ayos lang ako,” sabi ko at tumingin kay Shan. “Uhm...pinasundo raw ako ni Shan do’n sa lalaki. Nalimutan kong itanong ’yung pangalan niya kasi pumasok na agad siya at hindi ko naabutan.”

    Nagtinginan sila isa-isa. “Ha? Nagbanyo lang si Shan kanina at wala naman siyang ibang kinausap bukod sa amin. Hindi pa rin siya umaalis dito simula kanina,” sabi ni Kei.

    Nagtataka kong nilingon si Shan at umupo sa tabi niya. “Huy, totoo?” tanong ko.

    “Oo nga, saka...kaninong blazer ’yan?” Nagkunot-noo ito.

    “Doon nga sa lalaking nagligtas sa akin kanina, sabi niya pinasundo mo raw ako sa kaniya kaya nagpakakampante ako na kilala mo s'ya.” Pahina nang pahina ang boses ko.

    “Marami akong tropang lalaki, Alice. Pero wala akong inutusan na sunduin ka sa labas dahil maski ako ay hindi ko alam kung nasaan ka,” asik nito.

    Isa-isa ko silang tinignan. Halatang nagtataka sila kung sino ang lalaking iyon. Ibig-sabihin, hindi totoo ang sinabi niya...o baka naman dinahilan niya lang iyon para iligtas ako at mapasama sa loob ng gym?

    “At nabanggit mo na niligtas ka niya. Did something bad happened?”

    Nilingon ko si Shan at tumitig sa kaniyang mukha na tila pinag-aaralan kong maigi ang ekspresyong pinapakita niya. He looks so worried and curious. This is also one of the reasons why I fall for him.

    “A-ah, wala naman ’yon. Hindi malaking problema,” peke akong ngumiti.

    “Your smile can't hide it, anong nangyari?”

    Malakas akong lumunok at kinurot-kurot ang balat ng aking daliri. “Hindi ko alam kung masasabi ko bang rape ’yon—”

    “Ano? Rape?!” sabay-sabay nilang sabi.

    “Uy! Gago ’to, may makarinig sa inyo!” Ngumuso ako.

     “Alice, hindi biro ang sinabi mo! Anong pangalan ng lalaking humaras sa'yo at tatawag ako ng police,” nag-aalalang wika ni Shan.

    “Trisha, hindi ko mahanap si Alice—uy! Nandito ka na pala! Nilibot ko na buong gym, hindi n'yo man lang ako tinawagan.” Nagkibit-balikat siya at tumabi sa gilid ni Kei.

    “Ang natandaan kong pangalan ay Ten. Kasama niya si Hans pero mabait siya. ’Yung Ten lang talaga ang nagtangka sa akin, pero mabuti dumating talaga ’yung lalaking nagligtas sa akin, kun’di, napagsamantalahan na ako no'n kanina pa.”

    Muli kong binalingan si Shan na nakatanga lang sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakakuyom na parang handang-handa nang makipag-away.

    “Huy, bakit gan'yan ka? Magpasalamat na lang tayo kasi ayos lang ako,” sabi ko.

    “Si Ten Nicolas at Hans Cage ay tropa ko, Alice.”

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon