It was already Saturday in the morning. I decided to find some dresses at the mall dahil prom na namin mamayang gabi. I used my money dahil kahit kailan ay hindi ako dumedepende sa pera ng pamilya ko. Nagkakaroon lang ako ng budget galing sa baon ko na iniipon ko. I've never bought a gift for myself. Sabi nga ng iba, napakayaman daw ng pamilya ko pero parang wala raw akong pera at yayamaning gamit.
Sa batang edad ay marami na akong natutunan. My mother made me realized about the things that people don't understand. Isa na ro'n ang matutong mabuhay mag-isa na hindi umaasa sa iba. I grown up feeling independent because of her. She made me into one.
Sa loob ng ilang taong pinagsamahan namin ay wala siyang ibang ginawa kun’di protektahan ako at ipaalala na huwag kakapit sa masama kahit gaano pa kahirap ang buhay. I learned many things from her. Sa kan'ya ko lang talaga naramdaman ang totoong pagmamahal, ang totoong suporta at alaga.
My family supports me too, pero ibang-iba siya sa lahat. She always makes me feel loved and special. Nandito siya sa tabi ko sa lahat ng oras. Sa oras na kailangan ko ng kausap at maiiyakan. This is the worst problem I've encounter. Hindi ko lubos maisip na ang babaeng tanggap ang buong pagkatao ko ay pumanaw na na.
Siya lang ang nakakaintindi ng lahat ng hindi maintindihan ng pamilya ko. Minsan na nga lang ako mahalin at makahanap ng kakampi, mapupunta pa sa puntong lahat ng ginawa niya para sa akin ay mababaliwala.
That was my Mom. She died because of car accident. Pauwi na kasi siya noon dito sa Pilipinas nang biglang magkaroon ng problema ang sasakyang sinasakyan niya. Bata pa lang ako no'ng mawala siya, siya lang ang kakampi ko dahil ang pamilya ko sa kabila ay hindi ako tanggap. At baka dahil anak lang ako sa labas.
“O sige, maglalaro tayo ng truth or dare. Hindi naman mahirap ang consequence. Alam kong kayang-kaya ninyo ito,” sabi ni Kei. One of my best friend since highschool.
“Tanga! Truth or dare sa prom?” sabat ni Trisha.
“Oo, teh! Prom nga ’di ba? Ibig-sabihin malaya nating magawa ang gusto natin.” Inirapan niya ito.
“O sige sige na! Dami mo pang eksplanasyon. Paikutin mo na ang bote para makita natin kung sino ang mauuna,” wika niya at tumingin sa likod ko. “Hoy, Shan at Kali! Sumali kayo rito para masaya.”
Tamad na tumayo ang dalawa at lumapit sa direksyon namin. Pasimple ko pang sinulyapan ang napakagwapo at napakabangong si Shan. The most famous man in our campus. Kahit ako ay natamaan din pero ayoko namang sirain ang pagkakaibigan namin. Dzuh, ang pangit kayang jowain mo ’yung kaibigan mo.
“Okay, ikaw na Kali ang magpaikot para malakas,” sabi ni Trisha.
“Bakit ako?” angal nito.
“Para malakas nga ’di ba? Uulitin ko pa?” Nagtaas ito ng kilay at binaliwala naman iyon ni Kali. Pinaikot niya ang bote at umabot pa ng sampung segundo bago ito huminto at...at tumapat sa akin.
“Hoy, ang daya! Ulitin n'yo!” apila ko at ngumuso.
“Duh! Paano namin dadayain ’yan e, kitang-kita mo naman kung paano pinaikot at huminto.” Ngumisi ito. “Truth or dare?”
Bumuntong-hininga ako bilang pagsuko at tumingin sa kanila. “Truth,” sagot ko.
Ngumisi siya. “Kung may pagkakataon kang mamili kung sino ang ikaka-relasyon mo, sino ang pipiliin mo. Si Kali o si Shan?”
Pinandilatan ko si Kei dahil sa tanong niya. Ngunit imbis na palitan niya ang tanong ay ngumiti lang ito at kumindat sa akin. Napasapo ako sa aking noo. Kaya ayoko silang kalaro e, madaya at talagang uungakatin nila ’yung mga sikretong kami kami lang ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...