Chapter 45- Face The Reality

233 4 0
                                    

    Ilang minuto lang ang biyahe namin bago makarating ng hospital. We set an appointment at mahigit isang oras pa ang hihintayin namin dahil mahaba at marami na ang tao rito.

    “May gwapo, ’Te! Kaso mukhang may asawa't anak na. No offense. Maganda naman ’yong babae, bagay sila,” dinig kong bulung-bulungan ng mga nurse na nadaan sa harap namin.

    “Kadiri. Hindi ako papatol sa babaeng ’to kahit maganda pa s'ya,” bulong n'ya.

    “So, inaamin mo na maganda talaga ako?” Nanliit ang mata ko dulot ng pagngiti.

    “Shut up! Never!” He snorted.

    “Oh, talaga ba? Sige, kunwari hindi ko narinig,” ani ko na may pagtakip pa ng tenga ko para mas lalo itong mainsulto.

    “Iiwanan kita rito kapag hindi ka pa tumigil.”

    Ngumuso ako. “Ang isang magandang kagaya ko ay iiwan mo rito? Walang gano'n.”

    “Fuck.”

    Humagalpak ako at tumikhim na lang. I can see the anger on his face. Maski ang mga babaeng napapatingin sa kan'ya ay natatakot dahil sa matalim niyang titig.

    “Alam mo. Ang gwapo mo sana kung mabait ka at hindi masungit.”

    “Kahit palagi akong nakabusangot o galit, gwapo ako. So, shut your fucking mouth and just wait for your name to be called.”

    “Wala kang karapatang utusan ako.” I demanded. “Hindi ka makakahanap ng true love n'yan.”

    “Bakit? Ikaw ba nakahanap na? No offense.”

    Para akong pinukpok ng katotohanan sa narinig. That's too personal.

    “Oo, magbabalikan kami kapag ayos na ang lahat.” Nagkibit-balikat ako.

    “Okay, umasa ka sa wala.”

    “Ang kapal mo ha. Mas gwapo pa nga 'yon sa'yo.”

    “Talaga?” He fierce. “Wala akong pakialam. Kahit anong gwapo n'ya, hindi ka pa rin maganda.” Humagalpak ito.

    “At kahit ano ring gwapo mo, pangit ang ugali mo.” Tinarayan ko siya nang bigla namang tawagin ang pangalan ko.

    Sabay kaming tumayo at pumasok sa loob ng clinic. Unang pinagawa sa akin ay pinahiga ako sa kama at pina-alis lahat ng butones ng bistida ko.

    “Tumalikod ka hoy! Manyakis!” I tsked.

    “Anong manyakis? Malay ko ba kung anong gagawin.”

    “Naghuhubad ako, 'di ba? Malamang tatalikod ka.”

    “Ma'am, 'wag po tayong malikot para makita ko na ang gender ng baby n'yo. Hinga lang po ng malalim ha,” mahinhing bilin sa akin ng Doctor.

    “Masakit ba 'yan, Doc?” tanong ko.

    “Hindi naman masyado, Madam. Magrelax ka lang at tumingin sa screen para makita mo ang bata.”

    “Ayan, tanong pa kasi nang tanong, ayaw na lang sumunod,” singit ni Ahkin.

    “Shut up!”

    “Madam, marami pa hong nakapila. Kailangan ninyong manahimik para matapos na tayo rito,” inis na suway ng Doctor sa akin. Nakita ko naman ang matagumpay na ngiti ni Ahkin na nakapagpainit ng dugo ko lalo.

    I stay still and look at the screen like what the Doctor said. Nakikita ko na ang mga parte ng katawan ng anak ko at sobra akong natuwa.

    “It's a baby girl. Congratulations.”

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon