Chapter 30- When Did It Start?

176 3 0
                                    

    I'm terrifiedly lying on Kaden's arm while he's sleeping. Hindi ko lubos maisip na ibinigay ko ang pagkabirhen ko dahil sa lungkot. Natatakot ako at kinakabahan dahil baka magsisi na naman ako sa nangyari. Ginusto ko rin ito. Hinayaan ko siya, at hinayaan kong may mangyari sa aming dalawa.

    Yakap-yakap niya ako habang mahimbing na natutulog. Wala siyang kaalam-alam na kanina pa ako nag-iisip ng kung ano-ano at ang magiging kahinatnan nito kung sakaling malaman ito ng pamilya ko.

    Sabi ko ay hindi pa ako handa, alam din niya iyon. Pero bakit nauwi ang lahat sa ganito? I should be the one who stop him but something urge me to ignore it. Paano kung mabuntis ako? Ano nang mangyayari sa buhay ko?

    Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Kaden na nakapalupot sa aking katawan para magbihis. Saka ko lang din napagtanto na kwarto ko ang pinasok namin. Dali-dali akong kumuha ng tuwalya at reserbang damit dahil balak kong maligo sa unang palapag.

    I know everyone's enjoying their day today. Alam kong masaya silang lumalangoy malapit sa likod samantalang ako ay para nang mababaliw sa kakaisip ng katangahang nagawa namin. I really wished that I'll not gonna be pregnant.

    Tumulak na ako pababa at naligo nang mabilisan. Kaden is still asleep when I came back. Ayaw ko namang gisingin siya para samahan ako sa labas. And I guess this is my time to be alone, ’yong walang ingay at away sa paligid.

    I decided to go at the backyard, kung saan kami tumambay kagabi. Mag-isa lang akong nakaupo rito habang tuwang-tuwa sa pagtingin sa malawak at maganda nilang lupain. I felt the scalding grass on my back as I laid down, watching the clouds go through the direction where the wind goes.

    Marahan kong ipinikit ang aking mata nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Agad akong lumingon sa aking gilid at nakita si Ten doon. I thought he's gonna speak but he didn't. Tumabi lang siya sa akin habang nakatingala sa langit.

    Ilang minuto pa ang lumipas ay walang umiimik sa aming dalawa. I feel awkward but I'm relieved that he's not being noisy today.

    “Alice.”

    I swallowed hard before glancing at him sideways. I didn't respond but I'm waiting him to speak once again.

    “Mahal mo ba si Kaden?” dugtong niya.

    Bumuntong-hininga ako at dahan-dahang tumango. Nakita ko naman ang malungkot nitong ngiti bago bumaling ulit sa harapan.

    “He also feels that way.” Nanatili lang ang mata ko sa kaniya. “At totoo rin ang sinabi niyang siya ang unang nagkagusto sa'yo.” Ngumiti muli siya. “Nagsimula ’yon no'ng naglalakad kami papuntang gym dahil balak namin maglaro ng basketball together with Shan. And that time, you're there too. You're playing with your guitar while singing.”

    Natulala ako habang iniisip ang pangayayaring iyon. I was there with my friends. Kei and Trisha. Sumali kasi ako noon sa compitition sa school namin. At dahil maalam naman akong maggitara at kumanta, ako ang naging representative ng buong building namin. Bawat strand kasi ay maglalaban-laban. Kaya ayon. But I never knew that someone's watching me.

    “He’s really destructed by your voice. And starting from that day, palagi namin kayong nakikita roon na nakatambay. Samantalang si Kaden ay palaging nakatulala sa'yo. We never thought that he'll fall in love with you that easily.”

    Napapangiti na lang ako sa kwento ni Ten. Sumeseryoso rin pala ang lalaking ito. Akala ko puro panlalandi lang ang alam n'ya.

    “At dahil miyembro rin ng banda si Shan. Nagkaroon s'ya ng paraan kung paano s'ya mas makakalapit sa'yo.”

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon