Chapter 41- Favor

181 4 5
                                    

    I'm staying at this small apartment that I found earlier. Kahit ano sa mga gamit ko ay hindi ko dala o bitbit. I don't have money, clothes, foods, or anything. I only have myself. Hating-gabi na pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng gutom.

    Panay lang ako luha, hikbi, at pag-iisip nang malalim na halos kung saan-saan na napapadpad ang utak at isip ko. I'm feeling so much pain and anger inside me pero tanging pag-iyak lang ang kaya kong gawin.

    Naiisip ko pa rin ang mga ala-ala namin ni Kaden no'ng araw na maayos pa kaming dalawa. And here I am, blaming myself all over and over again. Because if I'm not that careless, hindi ako mabubuntis. At siguro kung hindi ’yon nangyari ay mas matatanggap ko pa na buntis si Kei at siya ang ama.

    But I'm pregnant with the same Man who make my friend pregnant too. ’Di ba, mukha kaming malandi at hayok sa kama. Pero wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga tao ngayon. Because I know who I am more than they know me. Oo, kahit kailan ay hindi ito masasabing pagkakamali. Dahil ang pagkakamali ay natatama pero ito hindi.

    This is a mistake where you can't change. All you have to do is to move forward and survive. Move on and keep distancing yourself to those people who always judge you when you made a one small mistake. Kahit anong gawin ko ay hindi na mababagong may bata sa sinapupunan ko. I don't want to abort it. Walang kasalanan ang bata rito.

    I laid down on this tiny sofa. Kahit may kama naman sa harap ko ay hindi ako humihiga room dahil may naaalala lang ako. Remembering those memories we had on past. Mga nakaraang puro kasinungalingan at pagpapanggap lang naman pala.

    A half of hour had passed and I heard my phone ringing. Tamad ko itong inabot sa lamesang nasa likod ko at tinignan ang pangalan na nakalagay roon.

    Mas lalo kong hindi napigilan ang pagiging emosyonal nang makita ko ang pangalan ni Kuya roon. I want someone to confront me but not in this kind of situation. Ayokong malaman ni Kuya o ni Papa ang nangyari. I want them out of my problems.

    Hindi naman sa takot akong magalit sila kay Kaden. Gusto ko lang umiwas muna sa gulo dahil mukhang hindi ko na kakayanin. Punong-puno na ako ng emosyong ayokong maramdaman. I just want to be happy. Iyon lang ang hiling na akala ko'y napakasimpleng abutin. Pero sa babaeng lapitin ng problema na kagaya ko ay ilang pagdurusa na ang nararanasan pero hanggang ngayon nangangarap pa ring maging masaya.

    I'm scared to go out since today. Pakiramdam ko takot na akong humarap ng mga tao sa labas dahil mag-isa na lang ako. No one can save and defend me right now. Only me but I can't. Hindi ako marunong lumaban dahil dinadaan ko lang ang lahat sa iyak. That's why people called me weak. Dahil palagi akong umaasa na may magliligtas at kakampi sa akin kahit alam kong maiiwan din akong mag-isa.

    “Tao po? Hija, nand'yan ka ba?”

    Napabalikwas ako nang bangon dahil sa gulat nang magsalita si Aling Marietta. Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa pinto para pagbuksan siya.

    “Bakit po, Aling—”

    Awtomatikong natikom ang labi ko nang mahagip ng aking mata si Kali sa likod niya. Nais ko mang isara nang mabilis ang pinto ngunit hindi ako makagalaw. Bigla akong ginapangan ng panlalamig at pamamawis ng ilang parte ng katawan ko.

    “Aling Marietta, sabi ko po ay ’wag kayong magpapapasok,” bulong ko sa kan'ya.

    “Hindi ko mapipigilan, Hija. Sisirain n'ya ’yong Gate sa labas, e.” Bumuntong-hininga siya.

    “Dapat ho ay hinayaan n'yo na. Babayaran ko na lang sana ang nasira o kaya ako na ang magpapagawa.”

    “Sa gano'n din naman, Hija. Kapag nasira ’yan makakapasok pa rin dito at baka mag-iskandalo pa kapag pinigilan ko.”

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon