Chapter 10- Letter

148 4 0
                                    

    “Oo, Alice. May gusto ako sa'yo. At binabawi ko na ang sinabi kong ayoko sa relasyon dahil sa'yo pa lang ay hulog na hulog na ako.”

    Malakas akong napalunok. Ganoon pa rin ang pwesto naming dalawa habang titig na titig siya sa mata ko tila hinihintay akong magsalita. I can't answer. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil napakabilis naman ’ata. Dalawang araw lang nang lumipas ang prom, nahulog agad siya?

    “Bakit? Kaden, ang bilis mo.” Tanging mga salitang lumabas sa bibig ko.

    “I liked you before you like Shan. I like you first before Shan realize he's falling for you.”

    Namilog ang mata ko. Alam niyang may gusto ako kay Shan. At totoo nga ang sinasabi n'yang may gusto siya sa akin. Pero may gusto pa akong malaman, bakit hinde pwedeng maging kami?

    “Pero hindi kita gusto, Kaden. Kahit gaano mo pa ako katagal na ginusto, walang magbabago na mas gusto ko pa rin si Shan. Na mas mahal ko s'ya. Masyado kang mabilis. Unang pagkikita lang natin no'ng prom, padalawang-araw pa nga lang nang lumipas ang araw na ’yon.”

    Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at tuluyang binitawan ang aking baba. Dahan-dahan din akong lumayo sa kaniya. Ang mata niya ang naging malamlam na tila nasasaktan sa sinabi ko.

    “Siya pa rin pala talaga kahit ako ang pumoprotekta sa'yo.”

    “Kaden—”

    “Shan never cared about you! Oo gusto ka niya. But have you ever experienced being saved by him, have he ever protect you? Hindi! No'ng araw na muntik-muntikan ka nang ibagsak ng prof ninyo ay ako ang nakiusap para mapanatili ang pwesto mo sa rango. Lumipat ako sa building ninyo para mas makita ko ang ginagawa mo araw-araw. I want to protect you because I know he can't!”

    “Ngayong muntik-muntikan kang ma-rape, sino ba ang tumulong sa'yo? Si Shan ba? Ako, Alice! Ako ’yon! Napatunayan ba niyang mahal ka niya? Hindi naman ’di ba? Pwes ako. Ako mismo magpapatunay kung ano ang tunay na pagmamahal. Kung ngayon ay hindi mo pa ako gusto. Maghihintay ako hanggang sa ikaw naman ang bumigay sa akin.”

    “Mabilis dahil umamin ako, pero maghihintay ako kahit ilang taon pa ang lumipas. Hihintayin ko ang oo mo.”

    Bagsak ang balikat ko dahil sa narinig. Wala akong laban dahil tama naman siya, e. Sa buong buhay ko, simula no'ng magkakilaka kami. Kahit ipagtanggol ako ay hindi ko man lang naranasan sa kaniya. And maybe he's really right. Wala lang talagang pakialam si Shan sa akin.

    Sinabi niya lang na mahal niya at gusto ako. Pero ano pang punto ng pakikipagrelasyon sa kaniya kung hindi naman niya mapatunayan. Ang iligtas nga ako ay palagi siyang wala sa tabi ko. Whenever I needed him, he's not with me. And whenever I didn't need him, he's always besides me.

    “Ayoko muna, Kaden. Hayaan mo munang pag-isipan ko. Hindi pa rin kasi kita kilala para pumayag agad ako. Pero oo, patunayan mo sa akin ang lahat ng kaya mo, at pagbibigyan kita sa gusto mo.”

    Lumipas ang dalawang oras ay sa eskwelahan naman ang tungo ko. Walang gana at wala sa sariling naglalakad kasama ang mga kaibigan ko papasok ng gate.

    Kanina pa nila ako kinakausap pero hindi ko naman sila pinapansin at patuloy lang sa paglalakad. Maraming bumabati sa amin at may malaki na ring tarpulin sa labas para sa surpresang magaganap sa foundation day.

    Pagkatapos ng nangyari kanina. Parang bigla akong tinamad sa lahat ng bagay. Palangiti ako, pero dahil sa walang kwentang pangyayari ay nadagdagan pa ang problema ko.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon