Chapter 42- Leave or Live

209 3 0
                                    

    “Ha?” tila wala sa sarili niyang tanong sa akin.

    “Alam kong naintindihan mo ang sinabi ko. Sige na, pautang muna ako.” Ngumuso ako at pinagkapit ang dalawa kong kamay na para bang nagmamakaawa sa kaniya.

    “Teka, bakit ka nangungutang? Ayon ang ibig kong sabihin sa 'ha'. Nasaan si Kaden?” Nagkunot-noo ito.

    “Basta, sasabihin ko lahat sa'yo basta pautang ako saka pasakay na rin. Dalahin mo ako sa Mall.”

    Napaawang ang labi niya at nanlalaki ang matang tumingin sa akin. Alam kong ang kapal ng mukha ko para humingi ng pabor pero kailangan ko lang talaga ng pera, gamit, at damit na gagamitin ko sa araw-araw. Hindi sasakto ang isang libo sa lahat ng kailangan ko.

    “Wow, speechless ako pero sige. Magkano ba kailangan mo?” tanong nito habang naglalakad patungo sa sasakyan niya. Ako naman itong sumusunod sa likod at nakangiti dahil pinagbigyan niya ako.

    “Siguro kapag tapos ko nang bilihin mga kailangan ko.”

    Napalunok siya at napakamot ng ulo. “Pero teka, ano ’yang hawak mo?”

    “Ah ito?” Turo ko sa plastic na hawak ko. “Ulam ko sana ngayon pero kumain na lang din tayo sa Mall.”

    “Really?” Tumawa siya.

    “Sige na, ngayon lang ’to. May lakad ka ba?” tanong ko.

    “Meron, kasama si Ten. Kaso sa susunod na lang siguro, mas importante kasi ito.”

    “Oo, tama ka ng desisyon. Mas importante talaga ’to.” Tumango-tango ako.

    Agad siyang nagtungo papuntang Mall. Nagkukwentuhan kami habang abala siya sa pagmamaneho. Well, kumportable naman akong kasama s'ya dahil makulit at pasok sa vibes ko. He's really friendly but that doesn't mean I will also trust him. Kailangan ko lang ng kausap kahit paano para hindi naman ako malubog sa lungkot.

    “Use my black card. Baka hindi pa sapat ang sampung libo sa'yo,” aniya at inabot ang credit card niya sa akin. Hindi na ako namangha ro'n dahil naranasan ko nang magkaroon ng black card. Naiwan ko nga lang sa bahay ni Papa kaya hindi ko magamit ngayon.

    “E, paano kung sabihin ko sa'yong gamit ng apartment ko ang bibilihin ko?”

    His eyes widened. Tinabingi pa niya ang kaniyang ulo para tignan kung nagsasabi ako ng totoo o nagbibiro.

    “Seryoso ka?” He sniggered and brushes his hair backwards. Nakita ko namang napatingin ang ilang babae sa gawi namin dahil sa ginawa niya.

    Kumuha ako ng dalawang push cart at inabot sa kaniya ang isa para matulungan ako. “Hindi ko uubusin ang laman nito, may matitira pa sa'yo.”

    “Ay wow, parang ako pa ’yong nagmukhang nanghihiram ng pera ah.” Tumawa siya at nagtingin ng kung ano-ano sa bawat phase na nadaraanan namin.

    “Ikaw naman talaga.” Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko. “Charot lang.”

    Lumipas ang kalahating oras ng pag-iikot namin ay napuno ko na ang push cart na hawak ko. Puro pang-araw-araw na gagamitin ko lang naman iyon samantalang sa isa pang push cart ay puro pagkain. I owe him today. Mukhang maliligtas ang buhay ko dahil pinayagan niya akong gamitin ang pera niya.

    Babayaran ko naman talaga siya. Pero kailangan ko munang maghanap ng trabaho na malaki ang sasahurin ko kada-buwan. Mag-iipon din ako para paghandaan ang paglabas ng anak ko. I can be independent on my own. Kailangan kong matutong tumayo mag-isa na walang katulong o kumakapit sa pera ng iba.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon