SEASON 2 PART 13

48 0 0
                                    

Happiness

Malakas kong ibinato ang aking telepono sa kama. I hugged myself as I remember anything. Sobrang tanga ko para magpauto sa mga salita niya. He did this so many times, pero ngayon ko lang napagtanto na sinasabi niya lang lahat ng iyon para hindi ako umalis. He's a manipulator. I regret marrying him.

"Aleena---" Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Preston nang makita niya ako. He immediately run towards me and held my face. "What the fuck happened? Why the hell are you crying?"

Agad niyang pinuntahan ang anak ko at binuhat ito. He checks her heartbeat and her temperature. Nang mapansin niyang wala namang mali ay dahan-dahan niya itong inilapad at bumaling ulit sa akin.

"Aleena, what happened?" Nag-aalala niyang sabi. Hinawakan niya ang mukha ko at itinapat sa kaniyang mukha. "Please, tell me."

I look at him and he wipe my tears. Saglit kong sinipat ang telepono kong nakataob sa kama at nilingon niya iyon. He simply reach the phone and saw the messages I've read earlier.

"He wouldn't fucking let me go, Preston!"

Pinisil niya ang kaniyang ilong at ang isang kamay naman niya ay nasa tagiliran. "I wouldn't let him touch you or be near you, Aleena. If marrying you can make him stop, then I will."

"Hindi iyon ang solusyon, Preston. No one can stop him if he's willing to take me back."

Umiling-iling siya at muling pinunasan ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko. "Hindi lang ako ang kakampi mo, okay? I won't let him take you away from me."

Kinulong niya ako sa kaniyang bisig at parang ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng init na bumabalot sa aking katawan. It's been a long time since I felt a comforting hug once again. Kaden used to do that when I'm not okay, but I never knew he'd change. Everything became lies in my eyes. Everything is so hard to forget.

"You said you are not in love with me. Bakit sinasabi mo na ang lahat ng ito sa akin?" mahina kong sabi.

"Because I can't admit to myself that I'm falling again," sagot niya. "But the more I denied it, the more I want to be near you. The more I want to protect you. The hardest I fall for you."

"Preston, ang bilis." I yelp.

"Hindi kita minamadali. Maghihintay ako hanggang sa maging handa ka na ulit."

Hindi na ako umimik at kumawala na rin siya sa pagkakayakap. I wipe my own tears as I walk towards Ali's bed. Nakakunot ang noo niya habang ang mata niya ay nasa gawi ko. Pinag-isa ko ang kamay naming dalawa. I kissed her forehead. Hindi ko hahayaang makita ni Kaden ang anak ko. I won't let him take her away from me.

Tama na 'yung magkalayo kami ng landas. Tama na 'yung mawalan kami ng koneksyon sa isa't isa. Hindi ko itatangging nasa kaniya pa rin ang puso ko, nasa kaniya pa rin ang pagmamahal ko. Pero sa tuwing naiisip ko kung paano niya ako gaguhin. Kung paano niya ako pinagmukhang tanga, at paikut-ikutin. Nanlulumo ako, nandidiri ako sa sarili ko. Wala akong ibang maisip kun'di ginawa niya lang akong laruan.

Limang buwan na ang nakalipas at kitang-kita ko na ang pagbabago sa anak ko. Lumalaki siya na parang ama niya. Nakikita ko siyang ngumiti ngunit hindi maaalis sa mukha nito ang pagiging masungit. Matagal-tagal na rin akong walang balita kay Kaden, at wala na akong balak alamin pa. Wala akong pakialam kung kasal na siya sa iba o kalandian lang. Ang mahalaga, nasa akin ang anak ko at matiwasay kaming namumuhay.

*****

Ngayon ang unang araw ko na papasok ako sa University Canada West. Nakumbinsi nga ni Preston si Papa na pag-aralin muli ako. Hindi ko alam kung anong sinabi niya pero natuwa ako dahil tinulungan niya ako.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon