Home
Tahimik kami buong biyahe. Hindi rin ako pinapansin ni Kuya matapos ng nangyari sa Botanist. Sobrang kaba at nerbyos ang naramdaman ko no'ng oras na 'yon. I always thought that maybe Papa just tell me he knows so we can avoid fights. Pakiramdam ko rin ay sinabi lang iyon ni Papa para hindi magtaka ang karamihan.
"Stop overthinking about anything, Alice. I don't hate you. I'm just shocked and I don't want you to hide something from us." Napatingin ako sa gawi ni Kuyang nakadungaw sa labas ng bintana. Kita ko sa repleksyon nito na nakasimangot pa rin siya.
"I'm sorry, Kuya. Natatakot lang—"
"Kailan pa, Alice?" He asked once again.
"Isang linggo lang ho ang lumipas matapos ang hiwalayan."
"You file an annulment? How about the divorce papers?"
"Naayos ko na po, pero hindi pa napipirmahan."
Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga. "Then you should really go to Philippines after your labor day. Hindi iyon maaaprubahan hangga't walang pirma ninyong dalawa." Nilingon niya ako.
"I will, Kuya."
Tumango na lang siya bago muling ituon ang atensyon sa labas. Gano'n din ang ginawa ko nang magsalita ulit siya.
"What's your plan—about the baby?"
"Ako po ang mag-aalaga kay Ali. Hindi ko hahayaang mapunta siya sa kamay ni Kaden." Huminga ako nang malalim. "Babalik ulit ako rito kapag naaprubahan na ang annulment namin."
Bakas ko ang pagkadismaya sa mukha niya ngunit mas pinili na lang nitong tumango. I promise that this is the last time they will be disappointed to me. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para hindi ako magmukhang walang narating sa pamilya namin dahil maagang nagkapamilya.
Tanda ko pa noon na palaging nababanggit ang apilyedo ng tatay ko ngunit hindi ito naging magandang dulot sa akin. Kesyo anak daw ako sa labas. Kesyo umaasa sa pera ng pamilya ko. Iyon din ang rason kung bakit hindi ko ipinagmamalaki na nasa maayos na pamumuhay ako. I cannot fathom why they keep making stereotype gossips towards me. Dahil ba wala pa akong nagagawang ikaaangat ng pamilya ko?
I can't understand why people treat a person like me who doesn't have a good background story as an outsider. They always look down on us na akala mo'y kami ang pinakanakakadiring tao na nabubuhay sa mundo. I keep my silence dahil alam kong wala akong mapapala kung papatol ako. I keep my silence hanggang sa napatunayan kong mali sila. I became a top student. Kada-taon ay hindi bumababa ang rango ko sa paaralan namin.
Pero habang tumatagal ay mas lalo lang lumalala ang issue sa akin. At saka ko na lang napagtantong hangga't hindi sila nagsasawa sa kakaputak ng mga walang katotohanang bagay tungkol sa akin ay hindi sila titigil. Palagi akong napapatanong sa sarili ko, ang paninira ba at ang panlalait ang kasiyahan ng mga tao ngayon? Hanggang sa masanay na lang ako sa kung paano nila ako tratuhin.
I did nothing to prove them wrong, instead I prove to myself that I'm more better than I was to be. I have nothing to impress because the more I prove myself to someone, the more they had something to say. Binibigay ko lang ang lahat ng makakaya ko sa pag-aaral hanggang sa makatungtong ako ng kolehiyo. And now I destroyed everything I thrive for just for love. Nagkamali ako ng pinili. Nagkamali ako ng desisyon.
"We're here. Mag-retouch ka nang konti. You look haggard."
Napabalikwas ako sa sinabi ni Papa at agad na kinuha ang make-up kit ko na tanging foundation at lipstick lang ng laman. Tinakpan ko ang namumugto kong mata at nagpahid ng kaunting pampapula sa labi bago lumabas ng kotse.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...