SEASON 2 PART 10

48 0 0
                                    

I am not

Ilang araw akong nakahilata lang at pinagsisilbihan ng mga kasambahay rito. Hindi ako sanay dahil ako madalas ang kumilos sa bahay noon. I feel so sick being take care of. I feel like they baby sitting me dahil maya't maya ang tanong nila sa gusto ko. Kahit gagala lamang ako sa hardin sa labas ay may kasama pa rin ako. I want to be alone sometimes.

"Creamy, what do you want to eat for dinner? Nuggets or Fried Chicken?" nakatanghod na wika ni Tita Rose tila hirap na hirap sa pagpili sa dalawa.

"Tita Rose, hindi po almusal na pagkain, gabihan po. Saka sinabi rin ng Doctor sa akin noon na iwas-iwasan ko ang mamantikang pagkain."

Nag-angat siya nang tingin at nagkunot-noo. "I can't cook, e." Ngumuso ito.

Umirap ako sa kawalan at tamad na tumayo. Pinanood niya naman akong makalapit sa kusina at nagtingin ng ibang pwedeng maluto sa ref.

"Ako na lang po ang magluluto."

"No, Creamy!" maarte niyang angal.

"Tita naman. Stop treating me like a child!"

"But your Papa told me to took care of you! Don't be makulit ha!" She's not even sounds mad.

Bumuntonghininga na lamang ako at inilabas ang isang tipak ng laman ng baboy sa ref at ibinabad ito sa tubig. Hindi naman siya makaimik dahil kahit anong salita niya ay hindi ko pinakikinggan. Kumuha ako ng dalawang patatas at naghiwa ng bawang at sibuyas para sa paggisa.

"Malalagot ako sa Papa mo nito, Aleena." Now she sound serious.

"Then don't tell him." Sumilip ang maliit na ngiti sa aking labi. "Ayoko namang puro hilata at upo lang ang ginagawa ko rito sa bahay. Tapos puro prito pa ang pinapakain niyo sa akin."

Sumimangot na lang siya at pinanood akong muli. Tila pinag-aaralan niya ang bawat kilos ng kamay ko sa pagluluto. She looked at me and I didn't even bothered about it. Hanggang sa matapos ako sa pagluluto ay nakatunghad lamang siya sa aking harapan.

"Next time, teach me how to cook and I will do it for you," mahina niyang sabi.

Kumuha ako ng dalawang tasa at plato para sa aming dalawa. She's observing my every move, medyo naiilang ako sa ginagawa niya.

"I wi—" Napahinto ako sa pagsasalita at mariing napahawak sa aking tiyan. "A-ahh!" sigaw ko.

Agad na sumaklolo sa akin si Tita na halos natataranta na. Sinubukan niya akong itayo ngunit tuluyan na akong napaluhod sa sobrang sakit ng aking tiyan.

"Hector!" she blurted out. Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya ay maski ang mga kasambahay namin ay napatakbo sa gawin namin. "Si Aleena, kailangan na nating dalahin sa Hospital."

Nagtinginan ang mga ito. "Pero, Madam...sinabi po sa akin ni Sir Hector na magpapagasul po siya ng sasakyan."

"What!?" she shouted again.

"Tita, a-anak na a-ako!" Nangangatal na ang boses ko sa sobrang sakit. Maski ang aking kamay ay manhid na.

"Alice, teka," aniya. "Tulungan n'yo akong buhatin siya papunta sa sasakyan ko, ngayon na!" Sabay-sabay silang umalis sa kinatatayuan nila at tumulong sa akin.

"Titaaa!" I murmur. "H-hindi ko na kaya!"

"Jusko po! Hija, kumalma ka muna. Pupunta na tayo sa Hospital." Hindi na malaman ang kilos niya tila naaaligaga sa kung anong sunod na gagawin.

Minadali niyang kinuha ang susi at pumasok agad sa sasakyan. She pressed something on her phone and someone answered.

"Yes, Tita—"

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon