Chapter 29- Mine

144 5 0
                                    

Warning: Read at your own risk.

______

    I ended up washing my face at Kaden's room. Nagpalit na rin ako ng damit bago tumungo ulit sa kwarto niya. Hindi kasi siya tumigil sa pangungulit na matulog kaming dalawa dahil ayaw daw niyang mag-alala. He really did change.

    “Dito na lang ako sa sofa. Baka hindi ka komportable kapag may katabi.” Kinuha niya lahat ng gamit niya at inilapag sa sofa na sinasabi niya. Pinagmasdan ko itong maigi at medyo nakonsensya ako dahil alam kong hindi s'ya rito magkakasya. It's big for me because I'm small, pero kung siya ang hihiga. Hindi siya makakatulog nang ayos.

    “No, it's okay. Ako na lang d'yan, kasya naman ako. Small size.” I awkwardly smile.

    “Ayos lang ako, Aleena. Hindi kita masasalo agad kapag nalaglag ka.”

    Ngumuso ako. “Hindi mo naman ako kailangan saluhin. Saka hindi agad ako mapapatay ng sahig n'yo.” I laughed.

    “I know, and that's not it. You're so thin compare to me. Kapag ako ang nalaglag d’yan ay hindi masyadong tatalab ang sakit sa katawan ko. E, kung ikaw? Just sleep on my bed,” patol niya.

    “Malapad iyan masyado sa akin, kaya ko—”

    “Ititikom mo ang labi mo o ako ang magtitikom d'yan?”

    My heart skipped a beat. Agad ko namang tinikom ang sarili ko at humiga na lang sa kama niya. This bed is good for three person, pwede naman siyang tumabi sa akin pero mas pinili niyang humiga sa hindi naman siya magkakasya.

    He quietly lie on the couch while his eyebrows were knotted. Mukha ’atang nainis ko siya sa pagiging mapilit ko. I really can handle the pain if I fall on that sofa. Madalas akong nahuhulog sa kama ko no'ng nasa condo pa lang ako. Ang problema nga lang ay hindi kinakaya ng katawan ko ang sakit at pumapasok ako nang masakit ang balikat at balakang, he's right.

    Pero hindi ko lang matiis ang sitwasyon namin ngayon. He should be the one who's sleeping here and not me. Nakakahiya naman dahil sa kanilang resort ito tapos siya ang walang maayos na tulugan dahil sa akin.

    “Kaden, are you asleep?” Tumulala ako sa kisame habang pinaglalaruan ang kuko ng daliri ko.

    “Not yet, why?” he respond.

    “Uhm...”

    “You’re not still comfortable?” he asked and sit in a proper way.

    “No.”

    “What is it? What do you want?”

    Tumingin ako sa kaniya at pabagsak na ang mata nito. Mali ’atang nagising ko siya dahil sa pagtawag ko.

    “Tabi tayo.”

    “Baka hindi ka kumportable, ayos na ako rito,” aniya.

    “Hindi, ayos lang. Tumabi ka sa akin.” Marahas akong lumunok dahil sa kaba. Ngumiti ito sa akin at matamlay na tumayo. He put his things on the bed and lay besides me.

    I panicked on my mind and I became speechless. Well, wala na naman ako dapat pang sabihin at matutulog na lang kami.

    “Can I come closer?”

    Mabilis akong napalingon sa kaniya at napataas ang dalawang kilay sa gulat. “Ha?”

    “I said, can I come closer?” he repeated.

    “Bakit?” kabado kong tanong.

    “So I can watch you while you were sleeping.”

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon