A lot of questions are making me confused. Isa na ro'n ang mga bagay tungkol sa pagitan ng Tatay ko at ng pamilya ni Ahkin. Parang kating-kati ang utak ko na malaman ang totoo. Paano ko nga ba talaga naging kapatid ang dalawa? Totoong magkapatid nga ba si Hans at Ahkin? Hindi ko alam.
Bukod sa mga tanong na iyan. May iba pa akong gustong malaman. May iba pa akong nais na marinig mula sa kanila. Nabalitaan ko rin kasi na Alleha ang apilyedo ng Nanay ni Ahkin no'ng dalaga pa siya at ganoon din ang sa Nanay ko.
“Maybe let's just ask Tita about this, Alice. Hindi ’yong kung ano-anong teyorya ang pinaniniwalaan ng utak mo,” giit ni Kaden na kanina pa naiinip sa mga bagay na pinagsasasabi ko.
“Nasa ibang bansa sila ngayon, paano ko maitatanong?” Binalingan ko siya.
“Papunta nang airport ’yong magkapatid para sunduin sina Tita at Tito. Iyon ang sabi sa akin ni Hans kanina.”
“Tch. Bakit naisipan pa niyang umuwi.”
“Alice.”
“What?” My voice rose a bit. “Hindi kaya niya deserve sumaya. After all those things he did, may karapatan pa siyang mangibang-bansa,” katwiran ko.
“Kahit na. Baka naman nagbagong buhay na ang Papa mo. Matuto kang magpatawad.”
“Really? Patawad?” I snorted. “Hindi nga man lang siya nakahingi ng paumanhin kay Mama bago pumanaw tapos sasabihin mong patawarin ko s'ya? Never! Kahit makita ko pa siyang maghingalo sa harap ko ay hindi ako mag-aaksaya ng luha para sa kan'ya.”
Unti-unting kumunot ang noo niya dahil sa narinig. “You ain't like this, Alice.”
“Yes, I do, Kaden. And I guess hindi mo pa talaga ako nakikitang magalit nang totoo sa isang tao.”
“I can't tolerate this kind of attitude. Kahit magulang ko ay hindi ko sinabihan ng ganiyan.”
I made face. “And don't compare me to yourself, Kaden. Kasi ikaw naman talaga ang mali sa inyo. Mahal ka ng magulang mo at ikaw lang ang nag-iisip na hindi! Samantalang ako? Hindi ako minahal ng Tatay ko! Itinakwil ako, Kaden. At kahit kailan ay hindi naging pagmamahal ’yon.”
Hindi na siyang umimik at tumingin na lang sa malayo. I glowered my face and put my arms across my chest. Nanggagalaiti talaga ako kapag naaalala ko ang nangyari noon. Lalo na no'ng malaman kong wala siyang kaalam-alam na pumanaw na ang kauna-unahan niyang asawa.
Ilang minutong katahimikan ang pumaligid sa aming dalawa. Panay lang ako titig nang masama sa mga bagay na nakikita ko. May oras pa nga na nagugulat ang kasambahay sa akin dahil sa hitsurang pinapakita ko.
“What do you want to eat?” Pambabasag ni Kaden sa katahimikan na bumabalot sa paligid.
“Hindi pa ako gu—”
“I miss Philippines so much!” Napalingon ako sa babaeng humahalakhak habang papasok sa loob ng pinto. I looked at her from head to toe before putting the attention back on her face. Simple lang siyang manamit at hindi rin mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. She looks pretty like my Mom.
“You don't have to shout, Ma. Nagugulat ang mga tao sa'yo,” dinig ko namang sabi ni Hans sa gilid niya na nakasuot pa ng shades hanggang sa paghakbang sa loob.
“Where should I put this things?” Ahkin said lazily. Wow, he looks simple. Ito ang unang beses na makita ko siyang nakasuot ng hindi pang-pormahang damit. Only cream hoodie, nude trouser pants, and white rubber shoes. At syempre, hindi mawawala ang shades at sumbrelo na palagi niyang suot.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...