SEASON 2 PART 5

52 0 0
                                    

Kapatid

Lumipas ang gabi at mabilisan lang kaming naghanda para sa pag-alis. May oras kasi kami rito at hindi pwedeng magtagal nang sobra. Walang ligo, walan kain o kahit simpleng pag-inom ng kape ay hindi namin nagawa. We're just both in hurry.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya habang nagmamaneho.

"Sa bahay na lang, palagi namang may lutong pagkain doon kahit si Papa lang ang kumakain."

Saglit niya akong sinipat. "Sermon ang ipapalamon sa atin ng Papa mo."

"Tch. Sa kahit anong restaurant na lang."

Napaurong ako sa sinabi niya. Hindi nga pala ako uuwi sa bahay para dumalaw, uuwi ako para sabihin kay Papa ang lahat. I shouldn't be nervous and scared because I'm already free from him now. Pero inaasahan kong hindi magiging mabuti ang masasabi sa akin ni Papa. Nagkaroon pa tuloy ako ng obligasyon.

Hininto ni Ahkin ang sasakyan sa restong tinatawag na Morielli's. Ngayon ko lang nakita ang kainan na ito, siguro'y bago lang sa lugar.

Pumasok kami sa loob at napanganga na lang ang aking bibig sa nakita. This place is so pretty. Para siyang lumang bahay na ginawang restaurant. It looks elegant and neat. Ang kintab ng sahig at bawat muwebles sa kani-kaniya nitong lalagyan. Maski alikabok ay walang kang makikita.

Ang mga pagkain nilang niluluto ay umaabot hanggang sa labas ang amoy. Ang bango nito at halatang masasarap ang mga pagkain. Bigla tuloy akong nasabik na tikman ang ihahain nila para sa amin.

"What do you want—"

Napahinto siya sa pagsasalita nang lumingon ito sa akin na tulalang-tulala sa mga pagkaing nilalabas nila galing sa kusina. Parang nagiging hugis puso ang aking mata. Their foods are tempting me.

"Can I have that?" tanong ko sa lalaking may hawak na katakam-takam na pagkain sa tray.

"Here's the order place, Madam. TJ Style Tacos and Beef Bulalo ang pangalan ng dish na gusto ninyo," sagot ng lalaki sa akin.

"But I want it already." Ngumuso ako ngunit sinimangutan lang ako ng lalaki.

"Give it to her, gumawa na lang ulit kayo ng panibago."

Napalingon ako sa lalaking nagsabi no'n. He was wearing a black uniform and it was different from others. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. He's handsome, I'm not gonna lie. Mukha siyang binata na around 20 above ang edad. He looks matured and tall.

Kalmado ang mga mata. May mahabang pilik at makapal na kilay. Matangos ang ilong. May natural na pula at mahugis na labi. Maganda ang pagkakahubog ng panga at lumilitaw ang napakalalim niyang dimple kahit nagsasalita lang.

Ang ganda niya ring magdala ng damit. Ang buhok niya ay tuwid at medyo maputi ang balat. He looks expensive and elegant. Sakto lamang ang laki ng braso at ng katawan niya. It suits him so bad. Hindi ko alam kung chef ba siya rito o ang may-ari. Baka parehas.

"Pero, Sir...kanina pa po naghihintay ang um-order nito," katwiran ng kausap niya. Nilingon ng lalaki ang lamesa ng may-ari ng pagkain at nilapitan iyon.

Sinundan ko siya ng tingin at napataas na lang ang aking dalawang kilay nang ngumiti ito sa kaniyang customer.

"I'm sorry for the delay of your order but we prioritize pregnants and persons with disabilities first. We will make sure to give your orders with the maximum time of ten to fifteen minutes right away."

Pati ang mga kausap niya ay napapatulala sa kaniya. Wala sila sa sariling tumango kaya naman agad itong lumapit sa amin at sinenyasan ang lalaking ibigay na sa akin ang pagkain. Tumingin sa akin ang waiter at kumurap nang ilang beses.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon