SEASON 2 PART 4

64 0 0
                                    

Mahigitan

Hanggang ngayon ay naglalakad pa rin kami patungong Hotel. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kaniya dahil basang-basa na ito dulot ng ulan. Bakas ko ang panlalamig sa hitsura niya pero mas pinili pa rin niyang alalayan ako sa paglalakad.

Sinubukan ko siyang higitin sa tabi ko ngunit binitawan niya lang ang kamay ko at lumayo nang kaunti. He stared at me for a while before holding my hand once again. Ang lamig na nito at medyo maputla na ang palad niya.

"I'm okay, just keep on walking," medyo hingal niyang sabi. Siguro gawa ito ng malamig na hangin.

"Ahkin, hindi ako natutuwa sa ginagawa mo. Baka magkasakit ka." Nag-aalala na ako sa kalagayan niya pero pilit niya lang akong dinidedma. "Huy, ano ba! Pansinin mo nga ako!" bulalas ko.

"May gamot naman akong binili, nand'yan sa paper bag." Ngumuso siya sa paper bag na hawak ko.

"Wala kang extra na damit, Miya!" galit kong giit. Saglit siyang huminto sa paglalakad at hinarap ako. Sumulong siya sa loob ng payong at ngumiti sa akin.

"I can imagine my future wife scolding me like this," nakangiti niyang sambit.

Namilog ang mata ko sa narinig. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa basang-basa niyang mukha. Ang mga tubig na dumadaloy sa kaniyang buhok ay pumapatak sa kamay naming magkahawak.

"Joke lang!" Tumawa siya. "'Wag masyadong magpahalata na concern ka sa akin." Umiling-iling siya bago muling lumabas sa payong. I saw how his expression change, naging malungkot ito at naging malamlam ang mga mata.

Inalis ko ang aking atensyon sa kaniya at lumunok nang mabilis. "M-maglakad na ulit tayo."

Lumuwang ang hawak niya sa kamay ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad ngunit ang layo ng napadpad ng utak ko. Hindi ko makalimutan ang hitsura niya kanina. Bakit parang kumirot nang kauti ang dibdib ko nang makita ang ekspresyon niyang iyon?

Nakarating na kami sa Hotel at gulat na gulat naman ang mga taong napatingin sa gawi namin. Habang nagpapabook siya ng kwarto na matutuluyan namin ay pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. This man really drawn himself in the rain.

"And please, bring extra clothes for me. Medium lang ang size ko," dinig kong sabi niya sa babaeng titig na titig sa maamo nitong mukha.

"Anything else, Sir?" She asked softly. Nakita ko naman kung paano niya panliitan ng mata ang babae.

"Hot soup and any delicious meals for my wife." Tinuro niya ako at nanlaki naman ang aking mata. Nilingon ako ng babae at patago akong tinaasan ng kilay. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Noted, Sir," aniya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nang mapansin iyon ni Ahkin ay nilingon niya ako bago muling balingan ang babae.

"Try to roll your eyes on her again, I will pour this alcohol on your face."

Parehas kaming nagulantang sa sinabi niya. I looked at his face, mukhang hindi nga siya nagbibiro kaya hinawakan ko ang braso niya para pakalmahin ito.

"Ahkin, stop—"

"I didn't, Sir," takot na katwiran ng babae.

"Talaga? Kitang-kita ko kung paano mo s'ya panlisikan ng mata. E, kung tanggalin ko 'yang mata mo para wala kang makita."

"Ahkin, calm down!" Sinampiga ko nang malakas ang balikat niya at inilipat ang atensyon sa dalagang ito. "I'm sorry, pagod lang 'to tapos naulanan pa."

"Sorry rin, Miss."

Tinanguan ko na lang siya bago hilain si Ahkin palayo sa counter. Hiyang-hiya ako sa ginawa niya. He even introduce me as his wife. Hindi naman ako makatanggi dahil baka isipin no'ng babae na ikinakahiya ko siya sa harapan niya.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon