Chapter 27- Date

136 4 0
                                    

    “Hoy! Ang daya—”

    Bahagyang napahinto sa paglalakad at pagsasalita si Kei nang sabay kaming lumabas ng kotse ni Kaden. Tumingin ako sa mata niya at nanlaki ang mata nang maalalang may nakaraan nga pala sila.

    Kinurot ko ang aking hintuturo at ngumiti sa kaniya habang naglalakad patungo sa kanila. Everyone was busy on their own things habang si Kei ay nakatitig lang sa lalaking nasa likod ko.

    Kaden is already wearing his summer shirt and his maong pants. Suot suot niya rin ang shades niya at relo kaya mas nagmukha itong elegante. Well, as I expected, everyone was caught by his attraction.

    “M-magkasama pala kayo haha!”

    Mas lalo kong idiniin ang aking kuko sa daliri. I know she's hurt because she's too obvious. Sa tawa pa lang niya ay mahahalata mo na. Pero paano ko sasabihing pumayag na akong manligaw siya sa akin? Magiging traydor ba akong tignan? Peke na ba akong kaibigan? Hindi na ba ako mapagkakatiwalaan? O magiging basura na ako sa tingin ng mga kaibigan ko?

    Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko ay lahat ng nagiging desisyon ko ay nauuwi sa pagsisisi. Parang hindi ko alam kung tama ba ang tinahak ko o mali. Ayoko nang umiyak, akoyo nang masaktan, ayoko nang mawalan.

    “Akala ko ikaw ang susundo sa amin. Hinahanap kita kanina.”

    “I’m sorry, Kei.”

    Why am I apologizing? Why do I feel sorry whenever I felt guilty or sad? Why do I always regret when I made a decision? Palagi kong iniisip ang nararamdaman ng iba kaya sa huli, ako ang nahihirapan. Dahil lang naman sa ayokong makasakit, ayokong masaktan. Takot ako, sobrang takot. Pero tinatatagan ko lang ang loob ko dahil iyon lang ang paraan para malampasan mo ang mga problema.

    Pero sa tuwing may natatapos akong problema ay may darating ulit na isa na parang wala itong katapusan. Bakit ba ganoon ang buhay?

    “Tanga! Bakit ka nagsosorry? Ayos lang, hindi mo naman sinabi na may magsusundo pala sa'yo,” wika niya.

    “Pupunta muna ako sa hotel, Alice. Aasikasuhin ko lang ’yong mga kwartong gagamitin natin.”

    Parehas kaming napatingin kay Kaden sa gilid ko. Hindi ko alam pero parang nasaktan ako nang baliwalain niya lang ang presensya ni Kei at basta na lang siya dinaanan na parang hindi niya ito kilala o naka-relasyon man lang.

    “Kaden!” tawag ko. Agad naman siyang lumingon sa akin at ngumiti.

    “Magsorry ka.”

    “Huh? Sorry? Magso-sorry saan?” He remove his shades at walk towards me. “Magsosorry saan, Alice?”

    Lumunok ako at itinuro ang babae sa harap ko. Gulat na gulat naman si Kei na halos mapahawak siya sa kaniyang dibdib at palipat-lipat ang tingin sa amin.

    “S-sa akin? B-bakit?” tanong niya.

    “Bakit, Alice? Bakit ako magso-sorry?” He raised his eyebrow and his voice became low and intimidating.

    “Respeto naman sa ex mo. Kung maka-daan ka sa harap niya ay parang wala siya sa harap ko. Kung hindi ka magso-sorry, hindi tayo mag-uusap hanggang sa matapos ang araw.”

    Laglag ang panga niya sa sinabi ko. Maski si Kei ay mukhang napugutan na ng hininga dahil sa hindi makapaniwala.

    “What?! Alas-syete lang, makakaya mo kaya?” aniya na tila hinahamon ako.

    “Aba, bakit naman hindi? Ang dami kong kaibigan dito. Hahayaan lang kitang maglugmok o mamalimos ng atensyon ko hanggang sa manigas at magsisi ka sa ginawa mo.”

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon