Chapter 19- Feelings

118 4 0
                                    

    I started cooking Minudo as our dish for tonight. Ang ibang kasambahay naman ay nagluluto pa ng ibang ulam. Our kitchen isn't big like this. Mayroon silang limang kalan at bukod pa ang prituhan. Meron ding dalawang Oven sa ilalim, at iba’t ibang klaseng blender naman sa gilid ng lababo. At isa lang ang kakaibang napansin ko rito, wala silang automatic dishwasher.

    Nasa sala lang si Kaden, nakaupo na parang prinsipe na naghihintay na paghainan siya ng pagkain, pero dahil nafe-feel ko pang magluto sa malawak nilang kusina, mas lalo ko pang tinagalan para inipin siya.

    “Hindi pa ba luto ’yan, Alice?” tanong niya at tumingin sa orasang nasa pulsu-pulsuhan nito.

    “Hindi pa, bakit?”

    “Gutom na ako, pakibilisan.”

    “May carbonara at barbeque na r'yan. Mamaya pa ako matatapos,” wika ko.

    I heard a few steps behind me, and I know he's here, watching me cook his favorite dish. I-lahat ko kaya ang asin na nandito sa harap ko para hindi niya ito makain.

    “I know you need some inspiration to make it delicious. Kung titignan ko pa lang ay hindi na masarap. Sabihin mo lang kung kailangan mo ng halik ko, nandito lang ako sa likod.”

    Halos masuka ako sa narinig. Hindi ba s'ya magpapakipot ng kaunti dahil nakakahiya naman ang sinasabi niya. Nilingon ko siya at ngayon ay nakatalikod na ito sa akin. Pinagmamasdan lahat ng mga pagkaing nasa harap niya. Nagtataka ako kung anong gagawin nila sa mga pagkaing hindi naman nagalaw. Mostly sa mga mayayaman kasi ay itinatapon lang ang mga natira o ’di kaya ay pinapakain sa alagang aso.

    But I noticed, there's no pet in here. Even a small bird or any small living animals. Nothing, I just got curious.

    I scanned his back feature and all I can say is I think it was hard because that's how it looks. Wala naman akong balak na hawakan pa iyon dahil baka iba pa ang maisip niya sa gagawin ko.

    “Kaden, tikman mo. And please, judge it by it taste, hindi kung ano na naman ang masabi mo na wala namang connect sa niluluto ko.”

    He face me and walk towards my direction. Napatingala ako rito nang matapat siya sa puwesto ko. Kumuha siya ng isang kutsara at naglagay ng konting sabaw rito.

    His eyebrows were a little bit knotted while tasting the dish. Nang matapos naman siya sa paghigop ng sabaw ay tumingin siya sa akin, Giving me a hint of success.

    “Taste good, but still not enough to impress me,” he demanded.

    Humalukipkip ako sa harap niya at sinenyasan siyang umalis sa harap ko. May sakit na’t lahat ay ang daming pang arte sa buhay.

    “Hindi ko niluto ito para pahangain ka, niluto ko ’to dahil kailangan malamanan ng t'yan mo. At kung ayaw mo, hindi ko na para ulitin pa ang niluto ko.”

    Nakangiti itong yumuko habang nakakibit-balikat sa harap ko. This man looks fine, mukha namang magaling siya sa bahay pero kapag nasa eskwelahan ay kulang na lang mag-agaw buhay siya sa sobrang pagkaputla at init.

    Hindi siya nagsalita. Kumuha na lang ako ng tasa at naglagay ng dalawang sandok ng ulam at kanin naman sa plato bago inilapag sa lamesa. I watched him eat the dishes in front of him. Nakakamangha dahil hindi ko inaakalang ganito siya karaming kumain na halos maubos niya ang lahat ng barbeque at carbonara sa hapag-kainan.

    After he eat, I give him one glass of water before helping again to go upstairs. I was holding his hands while taking a steps for him. Medyo tanga pa naman ang lalaking ito dahil imbis na sa hinahakbangan niya siya tumingin ay sa akin binubuhos ang atensyon.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon