Born
I've been staying here in hospital for almost 5 days. Wala akong ibang ginawa kun'di bawiin lahat ng enerhiyang nawala sa akin no'ng nakaraang araw. I'm happy to say that I'm recovering. Madalas ko ring kasama ang anak ko sa kwarto at sina Papa naman ay bumibisita pagkatapos ng trabaho.
"Hey, Ms. Salvatore. Anong gusto mong dinner?" Nakangiti si Preston sa akin habang tinatanong iyon. Hindi ko naman mapigilang magtaka.
"I-d-date mo ba ako?" Nakaawang ang labi ko.
He laughed softly. "I'm just asking you, hindi ka pa nakain."
"Then, are you concerned or worrying about me?" I ask again.
"As my patient, yes. You need to recover hundred percent."
"Hindi ako may kapansanang tao, okay lang ako," masungit kong tugon.
Bumuntong-hininga siya at umupo sa tabi ko. "Gusto mo bang umuwi o hindi?"
I stared at him and rolled my eyes. "Stop treating me like your younger sister. Ina na ako."
"I'm five years older than you, Ms. Salvatore."
"And so?" Nagtaas ako ng kilay.
"Sinusungitan mo ba ako kasi tinanggihan ko 'yung confession mo?"
Awtomatikong nagkunot ang aking kilay. "Hindi 'yon confession."
"Then, what?"
"Nagtanong lang."
"Bakit mo nga ba tinanong?" He smirks.
"Wala lang, gusto ko lang malaman kung single, ready to mingle ka." He nodded his head.
"I said, I am not."
"E, bakit?" May halong bakas na panghihinayang sa boses ko at satingin ko ay nahalata niya iyon. Tumingin siya sa kaniyang orasan at binalik ang atensyon sa akin.
"Not yet." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "I will ask your father about your favorite dish so I can cook it for you," asik niya bago tuluyang umalis sa tabi ko.
Naiwan akong nakatanga roon at iniisip ang sinabi niya. He'll cook my favorite dish? My father didn't even know about my favorite dish.
"Hi, Mommy!" Napapihit agad ang ulo ko sa may pinto at nakita ro'n si Tita na karga-karga si Ali. Nakasimangot siya habang nasa direksyon ko ang kaniyang paningin. This child really looks like her father. Palaging nakasimangot, o hindi mo lang malaman kung gano'n ba talaga ang ekspresyon niya araw-araw.
Inilipat ni Tita ang bata sa aking bisig at maigi ko siyang pinagmasdan. Paano ako makakalimot kung sa tuwing titingin ako sa mga mata niya ay siya ang nakikita ko? Paano ako makakausad kung ang iniwan niyang ala-ala sa akin ay ang anak ko?
"Tita, I don't want to look back again." Wala sa sarili kong sabi habang nakatitig sa batang hawak ko.
"What do you mean by that, Alice?" Nakakunot-noo niyang tanong.
"She resembles her father so much." Lumunok ako.
"And will you be okay?" I shrugged and she just sighed heavily. "We're here always. You don't need to force yourself to move on. That time will come, don't rush things."
"I will, Tita. Thank you."
Hinele ko ang anak ko habang nakatulala sa pader na nasa aking harapan. Will it really be okay? Buwan pa lang ang nakakalipas nang makaalis ako sa Pilipinas. Buwan pa lang din ang nakalipas nang tuluyan akong nakipaghiwalay sa kaniya. It so hard to move on when you truly loved someone.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...