Chapter 13- Mahal Kita

148 4 0
                                    

    Sa akin? Bakit sa akin? Bakit ako? Bakit nasama ako sa relasyon nila?

    “Kung nagtataka ka. Oo, Alice. We got into a relationship because of you. ’Wag kang umiyak dahil nagsisinungaling lang si Kaden na pinaglaruan ka niya.”

    Naguguluhan ako sa nalaman. Did I destroy their relationship? Anong nagsisinungaling? Hindi ako naniniwala, ayokong maniwala.

    “Keithalin?”

    “Ako ang nagpumilit sa aming dalawa. I forced him to be my partner because I love him so much. Ipinagtutulakan ko ang sarili ko sa kaniya kahit ramdam kong nandidiri na siya sa ginagawa ko.”

    “Kei, ano ang totoo? Direktahin mo ako!”

    “It was a force relationship because Kaden really like you from the start. I convince him by making a deal,” aniya.

    Ibig-sabihin, walang kasinungalingan sa sinabi ni Kaden na mapilit at mabilis makuha si Kei. It is because she pushes herself to him.

    “What’s the deal?” tanong ko.

    “Tutulungan ko siya sa'yo kapalit ng pakikipagrelasyon sa akin ng tatlong buwan.”

    “Kei—”

    “But I didn't granted his wish. I didn't follow the deal. Dahil buong akala ko ay mahuhulog siya sa akin sa loob ng tatlong buwan naming relasyon, pero he was really into you from the start.”

    “Keithalin—”

    “He broke up with me because he like someone else. Walang kasinungalingan sa kung anong sinabi niya sa'yo. I was there, watching you having argument with Kaden in Cafeteria. Hindi ako nakisali dahil gusto kong malaman mo ang totoo. Pero dahil hindi niya sinabi lahat. Ako na lang ang magsasabi sa'yo.”

    Nanginginig ang balikat ko dahil sa paghikbi. Bakit ako pa? Simula no'ng nagsama kami ni Kaden noong prom ay medyo umiiwas na sa akin si Kei. And maybe that's the reason behind it.

    “K-kei, I'm s-sorry!” Walang ibang lumalabas sa bibig ko kun’di sorry. Despite of her being kind to me, I was the reason behind of everything.

    “’Wag kang mag-alala, Alice. Ako naman ang may kagustuhan ng nangyari. I'm such a pushy person, and that's why everyone hates me.”

    “No! I'm sure Kaden's regretting on breaking up with you—”

    “Enough, Aleena! Wala akong magagawa. Kagaya nga ng sinabi mo sa akin no'ng prom. People expect too much to the person they like, and that's one of the reasons why they didn't meet the satisfaction they want. Naghangad ako nang sobra kay Kaden. I expect that he'll fall for me and he'll forget about you. Pero lahat iyon ay hindi nangyari. My plan didn't work. I let him use me without thinking about my worth.”

    “Keith—”

    “Sobrang mahal ko ’yon...but I have no choice but to let him go. Wala na kasing silbi kung ipagpatuloy ko pa. He didn't see me like how I see him. I really envy you since then, pero best friend kita kaya hahayaan ko na lang.”

    I don't know what to say. Alam kong mahal niya si Kaden, pero hindi ko alam na mapupunta sa puntong ako pala ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. Kei pushes herself to him, but he didn't really like her not even once.

    I felt sorry for Kei, dahil bukod sa nawala sa kaniya ang taong mahal niya...nawala rin ang pagpapahalaga niya sa sarili niya. She gave all what she have just to make him love her back. A plan didn't even work. Her love that he didn't feel. Everything she'd done was neglected.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon