Pagtitipon-tipon
Ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin at si Tita naman ang pumalit muna sa akin sa pagbabantay ng mga bata. Habang pinupunasan ko ang lamesa ay nakatulala ako na tila malalim ang iniisip. Ano kayang nakita sa akin ng may-ari ng Zedior at ako pa talaga ng natipuhan niya maging ambassador ng kumpanya niya?
"By the way, Aleena. Bibisita ang Tita Elizabeth mo sa sabado. Prepare for that night, ang sabi niya ay magpapa-party siya para kay Luke at Ali."
Napatanga ako sa narinig. Party? Hindi ko kailangan iyon at paniguradong maiirita lang si Luke sa ingay. He's very sensitive when it comes to loud noises like me.
"Buong Salvatore ay nasa party, Aleena. And pag-uusapan din sa araw na iyon ang pagsasalin ng lahat ng pagmamay-ari ng pamilya sa'yo," dugtong niya pa.
Ginapangan ako ng kaba. Ibig-sabihin, buong angkan namin ay nasa pagsasalong iyon? Hindi ko maitago ang kaba sa mukha ko. Ang iba kasing kapatid ni Papa ay hindi ko pa nakikila. May iba akong nakita noong bata pa ako pero hindi ko na tanda ang mga pagmumukha nila.
"Kailangan ba talaga iyon, Tita?" kamot ulo kong sabi at natawa naman siya sa naitanong ko.
"Napakahalaga noon, Hija. Ang tatay mo lang ang may pamilya sa aming pitong magkakapatid, siya ng pinakamataas sa Salvatore, siya rin ang pinakamatanda. Alam kong kinakabahan ka pero 'wag kang mag-alala, hindi ka aawayin ng mga Tito at Tita mo. Sila pa nga ang nagpresinta na magpa-party."
Buong gabi ko inisip iyon. Hindi ako makatulog dahil tatlong araw na lang bago ganapin ang pagtitipon-tipon. Alam kong hindi lang ang pamilya ko ang naroon, malamang sa malamang ay may iba pang mga matataas na tao ang kasama.
Kanibukasan ay para akong bangag na naglalakad pababa ng hagdan. Gulong-gulo ang aking buhok at mahapdi ang aking mga mata. Nakita ko si Papa roon sa sala, nakaupo habang may titig na titig sa hawak niyang diyaryo. Napahinto ako sa paglalakad nang mahagip ako ng paningin niya. Taranta kong inayos ang aking buhok at tinanggal ang dumi sa mata ko kung meron.
"Aleena..." banggit niya sa pangalan ko. Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi.
"Good morning, Pa." Umupo ako sa tabihan niya at dinungaw ang binabasa nito. Nakita kong tungkol ito sa krimeng nangyari no'ng isang araw malapit sa paaralang pinapasukan ko. Maraming sabi-sabi na pinatay raw ng sariling ama ang anak niya. Hindi ko alam ang tunay na nangyari dahil nakauwi na ako nang mangyari ang eksena.
"Bakit ang aga mong magising?" tanong niya habang ang mga mata ay nasa papel na muli.
"Titimplahan ko po ng gatas si Luke at Ali." Saglit niyang nilingon ang mga boteng hawak ko.
"Umiiyak na naman ba ang apo ko?" Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Wala ako masyadong gagawin ngayon, pwede bang ako muna ang mag-alaga sa kanila? Na-miss ko lang mag-alaga ng bata, ang laki ninyo na masyado ng Kuya mo para i-hele ko." Tumawa pa siya.
Nakita halakhak ako sa kaniya at tumango. Lumambot ang puso ko sa sinabi niya, noon kasi ay ayaw na ayaw akong hawakan ni Papa. Maski yakapin ako ay hindi magawa. Hindi niya rin kasi nasaksihan ang paglabas ko sa sinapupunan ni Mama. Ibang lalaki ang nag-aabang sa akin at hindi siya.
Bente uno na ang edad at mahigit tatlong taon na simula nang makalaya ako sa kamay ni Kaden. I know he hate me for leaving with his daughter. Alam kong galit siya sa akin dahil hindi man lang niya nakita at nahawakan ang anak niya. But Ali is mine, may karapatan man siya pero tinanggal ko iyon dahil sa ginawa niya.
Tinitignan ako ni Papa at humugot ng malalim na hininga. "I'm sorry to make you suffer, Aleena. Sa'yo ko naibuhos lahat ng galit ko sa Nanay mo dahil hindi niya ako minahal. Hanggang sa huling hininga niya, hanggang sa huling araw ng buhay niya. Hindi ko man lang narinig ang salitang mahal kita mula sa kaniya."
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...