Tulala at balisa akong nakaupo sa Dean's office kasama si Kaden. Kanina niya pa ako kinukulit na tanggapin ’yong panyo niya pero hindi ko siya pinapansin.
“Uhm... I wanted to say sorry, Alice. Pero ang totoong dahilan kung bakit kita isinama rito dahil gusto kong tanggapin mo ang alok ko na mamuno sa SG.”
Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kaniya. He's smiling at me peacefully. Tumawa naman siya nang hindi ako sumagot sa sinabi niya.
“I will not expel you in this campus in exchange of being the president of SG Family,” dugtong niya.
“Family, huh? Ibig-sabihin, sapilitan ito?” sabi ko.
“Alice, kailangan ka ng SG. ’Wag kang mag-alala dahil kasama mo naman si Kaden. He will be the Vice President kaya hindi mo salo ang lahat ng gawain.”
“Kahit na! Gagawin mong panakot sa akin ’yong aalisin mo ako rito para sumali sa Special Grades? Anong klaseng pangungumbinsi iyon?” medyo iritado kong sabi.
Hindi maalis sa sistema ko ang pagkainis. Lumuhod at umiyak ako kanina. Marami ang nakakita at nakaalam ng hindi naman dapat nalalaman ng iba dahil sa kagagawan niya.
“Alice, it's for your own good. At isa na rin iyon sa paraan para hindi ka ipadala sa Canada kasama ang Kuya mo. Your father will think that you're doing your best for him,” sabi niya.
“Sa tingin mo ginagamit lang ako ni Papa?” biglaan kong tanong. “Gusto niya ako pagtapusin ng kolehiyo para sa negosyo niya. Kapag hindi ko nasunod ang gusto niya, ipapadala ako sa Canada na parang gamit. Kapag hindi na kailangan, ipagtatabuyan. Sa tingin mo, totoong proud sa akin si Papa. O proud lang siya kapag nagagawa ko gusto niya?”
Konting katahimikan ang bumalot sa buong opisina. Gustong-gusto ko kasing sabihin ni Papa na proud siya sa akin kahit hindi ko nasusunod mga gusto niya para sa akin. Laging mataas ang grado ko simula pagkabata ko pero parang hindi pa sapat ’yon para maging maligaya siya. Parang kulang pa rin ’yong ginagawa ko pra sa kaniya.
He loves Kuya more than me, para ang dating lang kasi sa akin ay anak ako sa labas kaya hindi ako karapat-dapat mahalin. Napakabait ni Kuya sa akin, samantalang sarili ang kong ama, tinatanggap lang ako kapag may nagawa akong nagugustuhan niya. Gusto ko ring matanggap. Wala na si Mama kaya wala akong kakampi. Walang nagliligtas sa akin.
Kaya tumitira ako ngayon kasama mga kaibigan ko dahil ayoko nang masumbatan sa bahay. Si Lola at Lolo naman ay babalik ng Canada sa susunod na linggo. Si Kuya naman, kasama ni Papa. Gusto ko siyang tawagan pero natatakot ako dahil sobrang maalalahanin ni Kuya. He cares about me, he supports me. Ang kinatatakutan ko lang ay ayaw niya sa lalaki, parang si Papa.
“Ano bang ayaw mo sa Canada? Maibibigay naman lahat ng gusto mo dahil paborito ka ng Lolo at Lola mo. Ang Kuya mo naman ay malapit din sa'yo,” sabi ni Tito Ferregamo. Ang Dean ng school.
“Ayaw kong iwanan kaibigan ko, Dean. Masaya akong nag-aaral dito, bakit pa ako lalayo? Anong pinagkaiba ng paaralan doon at paaralan dito? Kahit saan ninyo pa ako ilagay, marami pa rin akong matutunan. Kaya kong pag-aralin nang mag-isa ang sarili ko. Marami namang mahahanapan na part-time job dito.”
“Okay, okay. Dean, sino pa ang kasali sa SG?” singit ni Kaden. Nilingon ko naman siya at namamapak naman ito ng lollipop.
“Speaking of members. Ito ito ang makakasama ninyo.”
President: Aleena Crimsyn Salvatore
Vice President: Kaden Zeyn Caciendero
Secretary: Asynthia Grace Martinez
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...