SEASON 2 PART 6

58 0 0
                                    

Never again

Bumyahe kami nang tahimik at hindi nag-iimikan. Kung nasa isip niya ay maliit na bagay lang iyon para maging matindi ang galit ko, pwes sa akin ay hindi. Hindi ko naman kilala ang Preston na iyon tapos masisira na agad ang pangalan ko dahil sa kaniya. Thanks God he seems not bothered about it.

"Ayokong uuwi tayo sa inyo na ganito ang sitwasyon nating dalawa." Pambabasag niya sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa. "I know it's my fault. Alam kong nagkamali ako. I thought that person is flirting with you that's why I explode. But I did that to protect you."

Mas lalong nag-init ang ulo ko. "Protect me without knowing what really happened?"

"Yeah, I know I act impulsively. Pero kasi ayoko lang na may mangyari sa'yong masama." He continued. "At dahil usapang pagkain 'yon, hindi mo alam kung ligtas ba s'yang kainin."

"That's a restaurant, malamang ligtas 'yon. They wouldn't do such a thing that will make their customers unsatisfied and unsafe. Kapag nilason nila 'yung mga bumibili sa kanila, malamang makukulong sila. And I know they don't want that to happen, mukhang mababait naman ang mga tao ro'n."

"How can you say so?" Bakas ang hindi pagsang-ayon sa salita niya. "Smile can be deceiving, Alice. Hindi porket maganda ang ngiti ng lalaking iyon sa'yo ay pwede mo nang pagkatiwalaan. Malay mo type ka no'n tapos gusto ka n'yang kunin kaya lalagyan niya ng pampatulog 'yung pagkain mo."

Kusang kumunot ang noo ko at dismayadong lumingon sa kaniya. Naririnig ba niya ang mga sinasabi n'ya?

"Ano bang mga teyorya ang naiisip mo, ha? That food is already served before they give it to me, wala naman silang kaalam-alam na gusto ko iyon at mapupunta sa akin ang pagkain," kuwento ko. "At kung sakaling tama ka, and so? Pogi naman s'ya, why not?"

"What!?"

"Joke lang!"

"That's not a good joke, paano kung pakay pala nilang patayin ka? Edi nadamay pa anak mo," giit niya.

"Patola ka 'no? Kulang na lang ng miswa, pwede na."

Ngumisi siya. "Oo, ikaw 'yon. Miswala kang jowa." Humagalpak ito at ako naman itong napasinghap sa narinig.

"Aba't namemersonal ka ha!" Sinampiga ko ang balikat niya habang siya naman ay tuwang-tuwa sa nabuo niyang biro.

"Stop it already, nandito na tayo."

Awtomatikong napahinto ang aking kamay sa paghamapas niya at umayos nang upo. I looked at my reflection on the mirror and fix my crumpled hair. Huminga ako nang malalim at napansin iyon ni Ahkin.

"You have my back. Stay calm, I won't leave you."

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Pinarada naman niya ang sasakyan sa garahe namin bago ako pagbuksan ng pinto. Muli siyang naglahad ng kamay ngunit inirapan ko muna siya bago ito tinanggap.

Nang matapat na kami sa aming pinto ay lumunok ako nang mabilis bago ito itinulak papasok. Masyado itong mabigat kaya tinulungan ako ni Ahkin.

Nilibot ko ang aking mata sa paligid at walang katao-tao. Nasaan ang mga kasambahay?

"Alice, anak?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Papa na kakalabas lang kusina at nakasuot pa ng apron.

"Pa!"

"Bakit napadalaw?" ipinunas niya ang kamay niya sa apron at napabaling sa lalaking nasa likod ko. "Where's Kaden? And who is this?"

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon