Chapter 11- Chance

136 4 0
                                    

    Medyo nanlamig ako sa laman ng envelope. I don't have a clue about this. Hindi ko naman masasabing si Kaden ito dahil nag-usap pa kami kanina. Si Shan naman ay nakausap ko pa rin bago ako lumabas ng library.

    Who would send this kind of letter on my brother's Locker?

    *Please, let me court your sister.*

    Hindi man lang naglagay ng pangalan kung kanino ito galing. My brother didn't know about Shan ’cause I haven't open my relationship to him for a while. Palagi ko lang sinasabing wala akong gusto kahit meron naman talaga.

    Love is not good for him. Napakastrict niya when it comes to relationship at lalo na kung sa akin pa.

    “Kuya, pinapunta mo ako para lang dito?” tila napapagod kong sabi.

    “This is not just a letter. Anong gusto mo, manghula ako kung sino ’to?” sarkastiko niyang sabi.

    “Mukha bang kilala ko rin ang nagbigay n'yan, Kuya? Papel at envelope nga lang ang binigay, e.”

    “Aba, so you're expecting him to give you a bouquet of flowers and chocolates, huh?” Nagtaas ito ng kilay.

    Ano ba naman itong Kuya ko. Napaparanoid na naman siya.

    “Of course, I'm not! Kuya, kanit anong gusto mong gawin ko—hindi ko naman nga kilala ang nagbigay nito. Saka malamang dito rin nag-aaral ’yan dahil sa locker mo nakalagay at hindi sa akin.”

    Hinawi niya ang kaniyang buhok palikod at hinubad ang kaniyang facemask. Kumalat agad ang amoy niya sa paligid sa konting galaw niya lang. Why my brother was always this attractive. Kahit sa pag-upo ay napaka-elegante niyang tignan. He looked like a prince sitting on his throne.

    “Maglagay ka ng CCTV sa pinto ng locker mo para kung sino ang makita mong maglagay ng letter doon ay makikita mo. Ang laki ng problema mo, Kuya. Hindi naman ako magpapaligaw sa hindi ko kilala.”

    Bumuntong-hininga siya at tumango. Naglahad siya ng braso sa akin nang tumayo siya. Napatitig naman ako sa kaniya tila hindi alam kung kakapit ba o hindi.

    “Humawak ka, bakit ka natulala r'yan?” aniya.

    Pumungas-pungas naman ang mata ko sa sinabi niya at kumapit sa braso nito. Hindi ko naman maiwasan ang mapayuko dahil sa hiya. Marami rin kasing mga estudyante ang nandito sa librabry at hindi naman lahat ay nakakakilala sa akin. Ayoko lang ma-issue sa kapatid ko.

    Habang naglalakad kami palabas at tiningala ko siya. His face were more serious than lately. Nakakunot-noo, matalim ang titig sa mga bagay na makikita niya, at hindi umiimik.

    Bigla rin akong napaisip. Who will send that kind of letter to my brother's locker? Kung hindi niya balak inisin si Kuya, dapat sa akin siya dumiretso at nagpakilala man lang. But I think, ang balak niya talaga si Kuya dahil alam nitong overprotective siya pagdating sa akin.

    “Ipakilala mo lahat ng kaibigan mong lalaki sa akin mamaya, Alice. I want to know them.”

    Kinabahan ako sa tono ng boses niya. It was intimidating and serious. Para bang hihimatayin ka kapag nagalit talaga siya nang sobra. I've never saw him be like this na sumusobra ang pagkaseryoso dahil sa lalaki.

    “Please, Kuya. ’Wag lang ito makakarating kay Papa—”

    “Bakit hindi?” Humarap siya sa akin. “Bakit hindi, Alice? May gusto ka na ba?”

    “Kuya—”

    “’Wag mong iiwas ang usapan, sagutin mo ang tanong ko. May gusto ka na ba?”

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon