Chapter 21- Lesson

172 3 0
                                    

    Today is Sunday in the morning at sobrang taas ng lagnat ko dahil sa nangyari kahapon. Panay rin ang singhot at ubo dulot ng lamig. Hindi ako makagalaw at lahat ng buto ko sa katawan ay apektado. Ano ba kasing trip ko at nilusob ko ’yong Signal No.4 na bagyo? Feeling ko ako ang pinakamalakas na tao sa mundo.

    Mabuti na lang talaga ay hindi nadala ng hangin ’yong tricycle na sinasakyan ko no'ng isang araw dahil kung nagkataon, baka magkakaroon ako ng bagong misyon. Ayon at walang iba kun’di ang dalawin si Kaden hanggang sa kuhanin na ako ni Lord pataas. Hayun ay kung sa langit ako mapupunta.

    “Good morning, Alice! Nagluto ako ng lugaw para sa'yo.” Shan greeted with smile. Agad din naman akong napasimangot sa ginawa niya.

    He helped me sit properly before putting the porridge above the assemble table. Mahinahon naman akong kumakain habang siya ay nakatitig lang sa bawat pagsubo ko.

    “I’m sorry, iniwan ko kayo no'ng isang araw,” sabi ko.

    “It’s okay. Nag-iwan ka naman ng letter kaya hindi na kami nag-alala.” He smiled again. “Saka, nawala rin si Kaden no'n, e. Nagtanong-tanong kami at may iilang nakakita na may sumundo raw sa kaniya, may kasama ring babae.”

    Sumabit ang manok sa lalamunan ko kaya nailuwa ko ang lugaw na nasa bibig ko. May nakakita sa amin? Sa pagkakaalam ko ay kaming dalawa lang ang nasa labas no'n, o sadyang hindi ko lang napansin na may iba pang estudyante sa gym.

    “Namukhaan daw ba kung sino?” ani ko tila tutok na tutok sa isasagot niya.

    “Hindi, nakita lang na may kasamang babae at nakasuot ng puting bistida. Nagtaka nga ako dahil tayo tayo lang ang nakasuot ng pormal noon at ang ibang estudyante naman ay uniform lang. Ikaw lang din ang nakasuot ng puti sa atin.”

    Mabilis kong nilunok ang lugaw na hindi tumitingin sa kaniya. I'm not scared kung malaman niyang ako iyon, bukod sa wala akong pakialam ay wala na rin naman kaming dalawa. I'm just treating him normally dahil hindi niya ako tinigilan kagabi nang makauwi siya.

    “I’m not that woman. Saka bakit ko sasamahan si Kaden, e, mainit ang dugo namin sa isa't isa?” I lied again. Ang dami kong minus points ngayon kay Papa Jesus. Baka kapag ngayon ako namatay ay si Satanas ang sumundo sa akin.

    “E, nagpaiwan daw kayo sa labas sabi ni Liam dahil nga masama ang—”

    “Hindi nga ako ’yon! Mukha bang makakapagsulat ako ng letter kung kasama ako sa bahay nila?” I sound defensive.

    “Bakit sa bahay agad nila ang sinasabi mo? Sinasabi ko lang na kasama niya ’yong babae at hindi ko naman sinasabing ikaw. You're so defensive, Alice.”

    “Anong hindi ako? E, pinagkukumpara mo nga kami no'ng babae nakitang kasama ni Kaden!” apila ko.

    “Kasi nga parang ikaw! Bakit napaka-defensive mo?!” naki-sigaw na rin siya.

    “That’s it! You're referring to me—”

    “Hindi ko naman sinabing ik—”

    “Ganoon na rin ’yon!”

    “Hoy, ano ba?! Bakit kayo nagsisigawan d'yan!?”

    Parehas kaming natahimik ni Shan nang pumasok si Kei sa loob ng kwarto ko para bulyawan kaming dalawa. Wala akong karapatang sigawan siya, pero ayoko namang magkaroon ulit ng gulo sa pagitan naming dalawa. Magkaibigan na nga lang ganoon pa.

    “’Wag mo nang ipagsiksikan ang gusto mo, Shan. May sakit si Aleena, ’wag mo nang palalain.”

    “Hindi ko naman pinapalala. I'm just sharing my opinion about their similarities tapos bigla siyang magagalit at sinasabi ko raw na siya iyon. I didn't say anything.” Sumimangot ito sa akin at tinarayan ko siya. Pasalamat lang talaga ay may sakit ako at nilutuan niya ako ng lugaw.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon