“Kaibigan nga ako ni Hans! Bakit ba ayaw mo maniwala!” Papadyak-padyak ang paa ko habang siya naman ay dinidedma lang ang sinasabi ko at kinakaladkad ako palayo sa kubong iyon. Kanina pa niya ako hindi pinapansin at pilit ko naman siyang kinukumbinsing maniwala sa akin.
Wala kasi rito si Hans dahil may kakausapin lang daw siya pero hindi na ako hinagilap. Napakagago talaga ng mga magtotropang ’yon. Sana pala hindi na ako sumama dahil mababawasan na naman ang isang libo ko para lang sa pamasahe.
“Nasa kotse ng kapatid mo ang mga gamit ko. Hindi mo ako pwedeng palabasin basta-basta!” sigaw ko.
“Babayaran ko lahat ’yon basta umalis ka. Wala akong tiwala sa'yo, e. Alam kong maraming may gusto kay Kuya pero hindi sila kasing desperada kagaya mo na namamasok ng bahay na walang permiso. Ang ganda mo sana kaso nakaka-turn off,” aniya.
Napaatras naman ang ulo tila hindi makapaniwala. Palagi na lang akong nagugulat sa pinagsasasabi ng lalaking ’to. Gwapo lang pala pero masama rin ang ugali.
“Wow! Wala naman akong sinabing ma-turn on ka sa akin. At isa pa, naglayas ako sa bahay kaya sinama ako ng Kuya mo rito!” paliwanag ko.
“Tch. I don't care. Hindi ko naman kasalanan na naglayas ka kaya umalis ka pa rin. If it's my fault then I'll take the responsibility, but it's not.”
“E, tanga ka pala, e. Hindi naman kita sinisisi sa paglalayas ko. At kahit opportunity pa ’yang pagiging responsable mo ay hindi ko tatanggapin.”
Nagtaas ito ng kilay at umirap. “Edi ’wag. Nagmamalasakit lang naman ako sa mga pulubi at mahihirap. Kayang-kaya pa kitang pagawan ng bahay para sa pamilya mong kasali sa 4Ps.”
What the fuck!? Bakit hindi ako manalo-nalo sa bwiset na ’to. Sayang ’yong hitsura n'ya, sana binigay na lang sa mga taong deserve makakuha ng ganiyang biyaya. Gustong-gusto ko na s'yang bigwasan kaso kapatid siya ni Hans. Ayoko namang gumawa ng gulo dahil hindi naman ako malapit sa pamilya niya.
“Hindi kasali sa 4Ps ang pamilya ko, Kuyang matangkad pero nangmamaliit.”
“Pakiulit, Ateng maganda pero mukhang kulang sa aruga.”
Pinigilan ko ang aking sarili sa abot ng makakaya ko. Mariin ko siyang tinitigan ngunit nginisian lamang ako nito. Demonyo talaga ang gunggong. Nakakaubos ng pasensya. Dapat hindi ko na lang ’to kinakausap dahil baka makunan ako nang wala sa oras.
“Oh, Miya. Bakit hawak-hawak mo sa braso si Aleena?”
Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Bumungad sa amin ang nagtatakang ekspresyon ni Hans habang nakatingin sa kamay niyang nasa braso ko.
“I said stop calling me 'Miya', Kuya. Ilang beses ko bang uulitin na Ahkin ang itawag mo sa akin.”
Patago akong humagalpak. “Ahkin amputek. Ang corny.”
“What?” He demand.
“Wala! Sabi ko, Hans tulong,” wika ko habang pinipigilan pa rin ang pagtawa.
“Ah, talaga ba, Ateng maganda pero mukhang kulang sa aruga?”
“Ahkin!” suway ni Hans.
“Oo, ang corny ng pangalan mo. Ang sarap sapAhkin.” Tumawa ako nang malakas at nagulat naman si Hans sa inasta ko.
“I will kill this woman, right now.” He cursed.
“Shut up. Pumasok ka na, hinahanap ka ni Mama,” wika ni Hans.
“Wow, 19 na 'yan pero Mama's boy pa rin, grabe ka na talaga 2022,” singit ko.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...