Hindi maganda ang pinagdaanan ko sa buhay. Minaliit at inapak-apakan ang kahinaan ko. Pinaglaruan ang nararamdaman ko. They take me for granted because they know I'm weak and too easy. Pinagsasamantalahan nila ang kakayahan ko dahil alam nila na hindi ko kayang magtanim ng galit sa isang tao. But everything will be different now. I have to get revenge.
At hindi nga ako nagkakamali. Habang nasa malayo si Kaden ay hindi ko nakikita ang ginagawa niya. And guess what? He cheated on me again. Tama nga sila, cheater is always a cheater. Hindi mababago ang pagkakamaling manloloko ka. Paano ko nga ba nalaman?
Parehas sila ng kursong kinuha ni Kali. And he caught him kissing another girl. Syempre, masakit sa akin no'ng una. Pero habang tumatagal, naiintindihan ko na kung bakit hindi makunte-kuntento sa akin si Kaden. It is because one is not enough for him.
He manipulates me, he gaslight me, he cheated on me. And he's definitely a walking redflag. Nakakapagsising pinagtanggol at pinatawad ko siya noon. But now, I have the strength tell how the cheating start once again.
"Hi, Hon. How are you feeling?" nakangiti niyang tanong sa telepono. His hair was messy without him wearing a shirt. He was also wearing a glasses with both hands holding a pen and a book. He looks tired yet handsome.
"Hirap na, nasipa na si baby, e." I laughed and he pout.
"Really? What should we call her then?" Ipinatong niya ang kaniyang baba sa kaniyang palad habang maamong nakatitig sa akin.
"Lheigh Yana Yazne," I said while fantasizing what our baby looks like. Masyado akong nasasabik na makita ang anak naming dalawa. Ang lungkot nga lang dahil wala s'ya sa tabi ko sa araw ng panganganak ko.
"So cheap," he tsk.
Sumimangot naman ako. "Anong cheap? Pangalan nating dalawa 'yon, 'no! Inartehan ko lang."
He giggles. "I know, Love. Just kidding." Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. "I'm sorry if I'm not with you until your Labor Day, sobrang hectic na ng schedule ko."
"Ano ka ba! I understand your reason, Kaden. Makakapaghintay ako."
"Kaden?" Napalingon ako sa kan'ya. "It should be 'love', Hon."
Humagikgik ako. "Ang dami mong arte! Inaantok na ako."
"Okay, Hon. Sleep tight. I love you always." Ngumiti siya sa akin at binigyan pa ako ng halik gamit ang telepono. I thought it sweet.
Nang matapos ang pag-uusap namin ay saglit akong lumabas ng kwarto. Walang tao, tahimik at tanging hangin lang ng aircon ang bumabalot sa paligid. It feel so empty here. Wala ang tatlo kong kaibigan dahil pasukan na ulit. Nalungkot din si Dean nang malamang hihinto muna ako sa pag-aaral pansamantala dahil buntis ako. While Kei, she's always asleep.
Wala akong magawa rito sa bahay kun'di umupo, manood ng movie, o maglakad-lakad sa labas kapag sinipag. Si Kaden naman kasi ay bihira lang makatawag, minsan wala pa siya sa mood makipag-usap.
Isang linggo na ang lumipas ay wala niisa akong natanggap na tawag mula sa kaniya. Nagsimula akong makaramdam ng kakaiba. Palaging nanlalamig ang kamay ko at minsan ay nagkakaroon ng kutob na may iba siyang kinakasama.
Pilit ko iyong binaliwala. Pilit ko iyong inalis sa sistema ko. Pilit ko itinatatak sa aking utak na mali lahat ng iniisip ko. Pero nang lumipas na namang muli ang isang linggong wala akong naririnig mula sa kaniya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iisip ng masama.
Sometimes I cried because of overthinking. Sometimes I can't eat because of thinking about him. Muli akong tumingin sa aking daliring may suot na singsing at napaisip. Is this really the right path for me? Is he really the person I wanted to be with? Is this really the future that is waiting for me?
Tumingala ako upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa aking mga mata. Hindi ko ramdam na kasal ako. Hindi ko ramdam na magkakapamilya na ako. Hindi ko ramdam 'yung pagbabago sa buhay ko.
Bakit parang mas ramdam ko pa 'yung mga haka-haka ko sa utak ko ang tama? Hinimas-himas ko ang aking tiyan habang humihikbi nang mahina. Hindi ko maintindihan ang buhay na meron ako. Hindi ko maintindihan, bakit parang hindi pa rin ako masaya kahit naikasal na ako taong gusto kong makasama?
It feels different. Ikinasal ba talaga ako sa tamang tao?
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at wala pang ilang minuto ay tumunog na ang telepono ko. Muli akong nabuhayan at tatakbo ko pa itong kinuha sa aking kama. Ngunit napawi ang aking ngiti nang makita ang mensaheng pinasa sa akin ni Kali.
Halos ikadurog ng buong puso ko sa nakitang litrato. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking kamay at ang pag-init ng gilid ng aking mga mata.
From: Kali
Kaden's cheating again, Aleena.
Wala akong masabi ngunit sobrang hapdi sa pakiramdam ang nalaman ko. Sobrang sakit dahil lahat ng hinala ko ay tama. Sobrang sakit dahil lahat naiisip ko gabi-gabi ay hindi taliwas sa nangyari.
Dahan-dahan kong ibinaba ang telepono sa lamesa at umupo sa kama. I held my chest as I look outside the balcony.
From: Aleena
Luluwas ako riyan bukas. Please, don't tell him.
Huminga ako nang malalim habang pinipigilang mapahikbi nang malakas. It's breaking me inside. It's so painful to know that he didn't change. Puro pangako lang, puro salita. He manipulates me and I'm so stupid to accept him again.
From: Kali
Okay, papasundo kita kay Shan to know you're safe.
Agad ko nang inimpake ang mga gamit ko at lumabas para hagilapin si Kei. Mabuti na lang ay nasa kusina s'ya at naghahanap ng makakakain.
"We're leaving on the next day," bungad ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mata niya nang makitang namumula ang mata ko dahil sa pag-iyak.
"W-wait, what happened? Bakit ka umiiyak?" She asked confusedly.
"I can't stand this anymore, Kei. Masyado na akong mina-manipula ni Kaden sa lahat ng kahinaan ko. Alam niyang sa huli ay sa kaniya pa rin ang bagsak ko kaya wala siyang pake kung masaktan ulit ako."
"Huh?! What do you mean, manipulate?" She held my shoulder and stared at my eyes. Nanlalabo na ang paningin ko dulot ng luha. She rub my back and my tears suddenly flow. Mahigpit ko siyang niyakap at humagulgol nang malakas sa kaniyang balikat.
"He cheated on me...again, Kei. Sobrang tanga ko."
Natigilan siya sa paghimas ng likod ko and I continue tearing up on her shoulder. Hindi ko maitago ang sakit. Kasal na kami pero paano niya pa nagagawang manloko. Was those five months aren't enough for him to change? Sa dami-raming pwedeng paglaruan, ako pa talagang seryoso ang natipuhan niya. I'm tired of this cheating and manipulating things.
"He what?" She made face. "Cheat? Putangina, wow ha!"
"Luluwas tayo ng Manila bukas. Sa ayaw at sa gusto n'ya, I will file an annulment." Lumunok ako at hinarap siya. "This time, tatapusin ko na talaga."
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...