Chapter 46- Pagbabalik

240 3 15
                                    

    Nasa kusina ako ngayon kasama si Ahkin. Medyo naninibago ako sa aming dalawa dahil hindi siya nangungulit o nang-iinis. Simula kanina ay malungkot na ang mukha niya. I don't know how to approach him this time I know how it feels to be rejected.

    Sina Kaden ay nasa labas. Kinakabahan nga ako dahil baka hindi n'ya ako pansinin kapag nagkita kaming dalawa. He didn't know that I was here. He didn't know that Hans is my brother. Basta ang alam niya ay malayo ako sa kan'ya, nagpapahinga at nag-iisip-isip.

    Wala s'yang kaalam-alam sa sitwasyon ko. Wala s'yang kaalam-alam tungkol sa anak niya. Bigla akong pinanghinaan ng loob. What if si Kei na ang papanagutan n'ya kaya parang wala siyang pakialam sa akin? He still have my contact number to call me but he didn't do anything to check my situation.

    “Aakyat muna ako sa kwarto,” sabi ko. Nag-angat naman ng tingin sa akin si Ahkin at nagkunot-noo.

    “I thought you will wait for him.”

    “Hindi na. Baka saglit lang din sila rito. Magpapahinga na lang ako.”

    “Kailangan mo ba ng kasama?” tanong niya.

    Umiling ako. “Matutulog lang ako. Tatawagan na lang kita kapag may kailangan ako.”

    He smiled. “Okay. Hatid na lang kita sa kwarto mo.”

    Sabay kaming tumungo sa taas at umalis na rin kaagad siya nang makarating ako sa kwarto. Naghilamos muna ako at inalis ang aking puyod bago humiga sa aking kama. I stared at the ceiling for a while before I found myself being too sleepy. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mata nang bigla namang bumukas ang aking pinto.

    “Science boo—”

    Parehas na nanlaki ang mata namin nang magkatitigan kami. Nakita ko kung paano malaglag ang panga niya nang makita ako. My heart start beating fast and I panicked in my mind. Hindi ko alam ang ibubuka ng bibig ko.

    I felt pain and happiness at the same time. He changed a lot. His face matured. His body became more slim. Mas lalo siyang naging matikas at mas lalong pumuti. His hair grow a little. And he became more taller than before.

    Bumaba ang tingin niya sa aking tiyan na hawak ko. Unti-unting nangilid ang aking luha na pilit kong pinipigilan na hindi pumatak.

    “A-Alice—”

    “Kaden, this is not my room—Alice?” Natigilan din si Hans nang makita akong nakaupo sa aking kama. Agad na nagbago ang ekspresyon ni Kaden. Napuno ng galit ang mukha niya habang dahan-dahang lumilingon kay Hans.

    “Kaden, you misunderstand everything—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla nitong bigwasan ang mukha niya. Mabilis akong tumayo ngunit pinigilan ako ni Hans na lumapit. “S-stay there. I can handle this.”

    “Hans—”

    “Pinagkatiwalaan kitang hayop ka!” sigaw ni Kaden habang hawak-hawak ang kuwelyo ni Hans. My tears starts to fall into my cheeks when I saw his nose bleed. Gusto ko silang pigilan pero panay lang siya iling sa tuwing humahakbang ako palapit.

    “Let me explain fi—”

    “Hans!” Napasigaw muli ako nang binigwasan na naman siya ni Kaden. Hindi ko mapigilang maiyak sa nakikita ko. Kahit punong-puno na ng dugo ang ilong at labi niya ay tumayo pa rin siya. He looked at me and smile.

    “Close your eyes, Alice. And please don't cry, ayos lang ako.” He mouthed but I shook my head.

    “Bakit kasi hindi mo na lang sabihin na kapatid mo ako!” sigaw ko. Napahinto naman si Kaden sa nag-aabang niyang pagsuntok kay Hans at tumingin sa akin. “Kapatid ko si Hans sa ama, Kaden. Please, ’wag mo s'yang saktan. Nagkakamali ka ng iniisip.”

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon