Chapter 28- Here

120 5 0
                                    

    It's already 5 pm in the afternoon and we're still talking about something. Ayaw n'ya pa raw kasi bumalik dahil paniguradong mauubos ang oras ko sa pagtulog. Kaya imbis na sa hotel ako matulog ay nandito ako ngayon, nagpapahinga sa hita niya habang nakangiting nakatingala sa himpapawid.

    “Ang ganda ng view dito kapag gabi. Parang ayaw ko na rin bumalik,” tumawa ako.

    “Oo nga ’no, ang ganda.”

    Nagkunot-noo ako at binalingan siya na titig na titig sa akin na para bang manghang-mangha siya sa mukha ko.

    “’Yong view, Kaden. Hindi ako.” Sinuntok ko ang braso niya.

    “Alam ko na ang hitsura ng lugar na ito mapa-araw at gabi, Aleena. E, ikaw? Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na titigan ka.” He smile widely. “Ang ganda mo pala talaga.”

    Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi habang pinaglalaruan ang palda ng damit ko. Ang hirap hindi mapangiti dahil sa gwapo rin naman ng lalaking nagsasabi nito sa akin. Para bang napaka-swerte ko dahil ang mala-prinsipeng ito ay nabihag sa babaeng hindi naman kagandahan kagaya ko.

    Kung ang lalaking ito ay sikat, malamang sa malamang ay magmumukha lang akong taga-habol at hayok sa fan sign. Pero dahil nakuha rin niya ang loob ko, paniguradong mahuhulog din ako sa kaniya. Paniguradong darating din iyong araw na siya naman ang papangarapin ko. Ngunit hindi ko alam kung kailan ang araw na iyon. Kung malapit na ba o matagal pa.

    “’Wag mo akong binobola, stupid,” wika ko.

    “Grabe naman ang trust issue mo, kahit pinupuri ka ay hindi mo pinapaniwalaan,” tumawa ito. “Sabagay, sino ba naman ako para pagkatiwalaan ng magandang dilag na kagaya mo?”

    Hindi ko napigilang tumawa. Loko nga talaga ang lalaking ito. Kung ano-ano ang pinagsasasabi.

    “Talaga? Mukha nga lang akong alipin dahil sa itsura at mga sinusuot mo,” natatawa kong sabi. “Sorry ha, mahirap na babae lang kasi ang ginusto mo.”

    Tumawa ako ngunit nang mapansin kong tumahimik ito at unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang maamo niyang mukha na natatapatan ng liwanag ng buwan.

    “Mahal kita kahit ikaw pa ang pinakamahirap na babae sa mundo, kahit ikaw pa ang may pinakapangit na pamilya. Wala akong pakialam dahil hangga't nandito ako sa tabi mo, hindi kita iiwan, hindi kita papaiyakin, at hindi kita ikakahiya sa kahit kanino. Ipaglalaban kita, at handang isuko ang lahat ng bagay para sa'yo.”

    Ngumiti ako at tinapik-tapik ang balikat niya. “Alam na alam n'yo talagang mga lalaki kung paano kami mahuhulog sa inyo, kahit—”

    “Hindi ko kailangan ng opinyon mo sa sinabi ko, Alice. Kahit pa paulit-ulitin mong sabihin sa harap ko na ayaw mong maniwala dahil baka masaktan ka, wala akong pakialam dahil totoong mahal kita. Kahit mangako pa ako sa bato ay gagawin ko. Hindi ko kailangang maniwala ka kaagad dahil sobrang mahal na mahal kita.”

    Napaawang ang labi ko dahil sa dami niyang sinabi. Masama bang sabihin iyong totoo? Hindi naman sa nilalahat ko silang mga lalaki, pero madalas kasi ay nahuhulog ang mga babae sa kanila dahil sa mga pakunwaring tunay na sinasabi nila.

    Kesyo mahal daw nila, tutuparin ang pangako ng isa't isa. Pero sa huli, ano bang nangyari? Nauwi pa rin naman sa hiwalayan at paghahanap ng bagong kapalit. Sus, mga paasa. Kung mag-aral na lang sila nang mabuti ay may maitutulong pa sila sa magulang nila. Hindi ’yong panay pakita at bigay ng motibo sa babae tapos biglang magloloko? Aba’y, sana hindi ka na lang inire ng inahin mo.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon