Chapter 24- Still

156 4 0
                                    

    Another Foundation Day again for today. Bumabagabag pa rin sa utak ko ang nangyari kanina. I'm here at the library, trying to destruct myself for a bit ’cause I know I can't focus later. Si Kaden na naman ang makakasama ko sa paglilibot sa mga classroom to give a task. Habang ang mga natapos naman namin ay may klase na ulit.

    “Hi, My Lady.” I heard ten shouted at the back. Hindi sila nakasama sa amin noon dahil nagkaroon sila ng family outing sa Tagaytay kasama ang pinakamamahal niyang best friend na si Hans.

    “Not in the mood, Ten. Stop messing around,” I murmured.

    “Sobrang tahimik sa office kaya lumabas muna kami ni Hans. Parang ang lulungkot ng mga tao ro'n. I wonder what happens,” he said, confused.

    Hindi naman ako umimik kaya mas lalong nagtaka ang mga itsura nito. They both look at each other before occupying the vacant seats in front of me.

    “Pres—may nangyari ba?” Hans asked. He lowered his voice like he's being suspicious.

    “Ang chismoso n'yo, ’no? Ano bang ginagawa n'yo rito!?” mahina ngunit bakas din ang galit sa boses ko.

    “Kagaya nga ng sinabi mo, makiki-chismis,” pamimilosopo nito.

    “Nothing has happened. ’Wag kayong makulit at nagbabasa ako.” Itinakip ko sa aking mukha ang libro tila nagtatago sa kanilang dalawa. Akala ko ba naman ay magiging mapayapa ang buhay ko kapag nandito ako pero may mga depungal pa rin palang makakahanap sa akin.

    “Something did happen, Pres. Mukhang nagkaaway ro'n pero hindi lang namin naabutan. Nakita kasi naming may malaking pasa malapit sa panga ni Shan, at ’yong dalawang babae naman ay mukhang malungkot.”

    Napabalikwas agad ako sa narinig. Would I listen or not? Pero hindi naman siguro sila magbibiro ng ganito dahil ibang usapan na kapag nagkasakitan.

    “Seryoso?”

    “Uyyy! Si President, nag-aalala!” They both laughed and look at each others direction.

    “Mga stupido ba kayo? Malamang nasa Special Grades tayo at may ginagampanan sa school na ’to. Kapag nakarating kay Dean ang nangyari, hindi natin alam ang parusa ibibigay niya sa atin, okay!”

    They both laughed in silence, at agad naman silang sumunod sa akin nang dali-dali akong tumungo papuntang roof top. What the fuck is the issues again? Pwede bang bigyan muna nila ako ng pahinga?

    Nang makapasok ako sa loob ng office namin ay nagkakagulo na naman sila. Shan was holding Kaden's collar while the two girls don't know what to do to make them stop.

    “Gago ka ba?! Ngayon ka pa aalis kung kailan magse-second year na tayo?! Tangina naman, Kaden! Anong pumasok sa kokote mo para magdesisyon ka ng gan'yan?!”

    Agad akong humarang sa dalawa ngunit hindi sila nagpatinag. Muntik-muntikan pa nga akong maitulak pero mabuti na lang ay nasalo ako si Hans sa likod.

    “Ako dapat sasalo, Hans! Pa-epal ka talaga, e,” dinig kong sabi ni Ten kay Hans pero tinawanan niya lang ito.

    I ignore their remarks and start focusing on these two. Kung hindi ko sila mapapatigil ay wala akong ibang magagawa kun’di tumawag ng teacher para magpatigil sa kanilang dalawa.

    “Anong nangyayari rito?!” sigaw ko pero kahit anong salita ko ay parang wala silang pakialam.

    Humarap ako kay Ashley at Synthia. “Sino ang nagpasimula ng away na ’to?” tanong ko sa kanilang dalawa.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon