The Day is already ended. Naghihintay lang ako ngayon sa waiting area dahil nagpapasundo ako kay Manong Philip. Busy kasi masyado si Kuya kaya mamaya pa ang uwi no'n. Nagkasalubong din kami kanina nina Kei at nagkwentuhan muna kami saglit dahil nga nakarating kay Dean iyong lamesang nabasag ni Shan.
Hindi naman kami napagalitan dahil dinahilan ko na nabagsakan ng libro kaya nabasag. Sinabi ko naman ang totoo sa kanila at alam kong nasaktan din sila sa nalaman. But I have no choice, tama na ang ilang tyansa para sa kaniya. Kahit pa nasaktan ako sa sinabi niya kanina ay kailangan ko na lang talaga iyon palampasin para matapos na kami sa isa't isa.
“Ma’am, pasensya na po. Masyado ho kasing trapik kaya napatagal,” sabi ni Manong Philip na kakarating lang.
“No, it's okay. Hindi naman po ako sobrang tagal na naghintay,” sabi ko at ngumiti.
Pumasok na ako sa loob at mabilis namang pinaandar ni Manong ang sasakyan. And now, I'm alone with my father and I don't know how to face him.
“Thank you,” I said as he opened the door for me. Agad naman akong pumasok sa loob na hindi lumilingon sa palagid dahil ayoko namang sabihin niyang hinahanap ko siya.
“Anak.”
I suddenly stop when a familiar voice called me. Hindi na ako magtataka kung sino siya dahil wala na namang ibang tao rito kun'di kaming dalawa lang.
“If you'll apologize about yesterday, I don't care,” ani ko.
“I just want to be a good father for you, Alice. I did that—”
“I don't wanna hear your excuses. May outing kami bukas, wala ako rito nang tatlong araw.”
He immediately grabbed my hand and turn me around to face him. Nangangatal ang kamay niya at mukhang takot na takot siyang hawakan ako.
“You’re leaving? Aalis ka at iiwan kami?”
Agad na nangunot ang aking noo. Anong pinagsasasabi nito? Tuluyan na ba siyang nawala sa sarili niya?
“I’m already free, Pa. I would never let you hurt me again. Saka...” Tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko. “Ikaw na rin ang nagsabing pwede ko nang gawin ang gusto ko, ’di ba? ’Wag mong sabihin na niloloko mo lang ako no'ng araw na ’yon?”
He shook his head. “I just want to give my time for you, Anak. Babawi si Papa—”
“Mauuna na po ako. Baba na rin ako mamaya para kumain.”
Tumalikod na ako at hindi na hinintay pang sumagot siya sa akin. I close my door and packed my things. Hinagilap ko naman sa aking cellphone ang numero ni Kei para ayain itong sumama sa amin bukas.
“Hoy! Anong nangyari? Balita ko nagkaroon ng basagan sa SG Room ah,” bungad agad niya sa telepono.
Bumuntong-hininga ako at napasapo sa noo. “Nabagsakan ko ng libro ’yong lamesa. Anong basagan, oa ka naman,” wika ko na tila natatawa.
“Woshoo! E, bakit may sugat ang kamay ni Shan? Hindi niya naman para hawakan iyon dahil bubog iyon. Saka, halata namang may nangyari na naman sa inyo.”
“W-wala ah!”
“Sus! Nangangamoy defensive ka, Mare!” Narinig kong humalakhak ito sa linya. “Tell me, nag-away ulit kayo ’no?”
Parang nanghina ang loob ko dahil sa tanong niya kaya napaupo ako sa aking kama na hindi umiimik. I remember his face back then. Naaalala ko ang itsura niya habang nagsasalita sa harap ko. I saw how his tears dripped on his face. I saw how he regrets everything about us.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...