SEASON 2 PART 3

67 1 0
                                    

Umbrella

Limang araw na ang lumipas nang matapos ang relasyon ko kay Kaden. It was very painful but that gives me a little freedom. And now, I am living on Hans house once again with Kei. Sobrang saya ni Ahkin nang magkita ulit kami. And I told him everything happened.

Medyo nagulat pa ako sa reaksyon niya dahil hindi ko inaakalang magagalit siya nang sobra sa nangyari. But I was kinda happy because he was here for me. Siya ang umaasikaso sa aming dalawa ni Kei. Tanda ko pa nga 'yung araw na kulang na lang ay isumpa n'ya ako dahil ayaw niya sa akin. And now, I saw the difference. He changed a lot.

"I hate her name, because his name were there too. Tanggalin mo na 'yung Yazne," reklamo siya sa pangalan ng anak ko.

"Grabe naman ang galit mo, ikaw ba 'yung niloko?" sabat ni Kei.

"Hindi, pero he deserves the hate." Ngumuso siya. "Bakit, ikaw? Hindi ka nagagalit sa ginawa no'ng lalaking 'yon sa inyong dalawa?"

Nagpahalumbaba siya at tamad na kumuha ng fries sa mangkok na nasa harapan ko. Ahkin cooks it, grabe kasi maglihi ang isang ito. Dinaig pa ang dinosaur na palaging gutom.

"Syempre galit ako, pero hindi ko naman pwedeng isisi sa kan'ya lahat ng mali. May kasalanan din ako kasi pumatol ako," aniya.

"Napapatol ka kasi ginayuma niya ang utak mo, it's still his mistake." Umirap siya rito. Hindi talaga maalis ang pagiging masungit niya.

"Sus, kasalan ko rin kasi nauto ako."

"Ayan, pauto pa more!" Tumawa kaming parehas.

"Hoy, kasama rin ako." I raised my hand as I laugh.

Tumingin siya sa akin at malambing na ngumiti. "You're an exception, Love," he said softly.

"What the—ang kapal ng mukha mo, Ahkin. Exce-exception ka riyan."

"Yeah, why? Mas malaking parte ang nawala sa kan'ya because he manipulates her," rason nito.

Nagkibit-balikat ako. "There's no exceptions, Ahkin. He manipulate us both."

"Tama," pagsang-ayon ni Kei sa akin. "By the way, pasukan na 'di ba? Bakit nasa bahay ka lang ngayon?"

He rest his body at the back of the chair and sighed heavily. "Ayokong mag-aral, e."

"What?!" We chorused.

"Just kidding." Tumawa muli siya. "Since, itutuloy ni Kuya ang course ng Engineering, ako muna ang bahala sa business ni Mama at Papa."

I nod my head. "E, 'di ba may business din sila sa ibang bansa, ikaw din ang mamamahala no'n?"

"No, may bahay kami sa Canada at doon naninirahan sina Mama dahil nandoon ang business na inaasikaso nila. May pagkakataon lang silang umuwi rito kapag may oras sila o para magbakasyon."

Namilog ang mata ko. "Canada?"

"Yeah, why?"

"May bahay at company rin kami ro'n, e," giit ko at napangiti siya.

"Really? What a destiny." Lumiwanag ang mukha niya habang nakangiti.

"But I can't stay here for a long time. Si Kei ang maiiwan dito sa'yo, and make sure to take care of her."

His forehead creased. "Why? Saan ka pupunta?"

Nilingon ko si Kei at bakas sa mukha nito ang lungkot. Medyo nakokonsensya ako dahil kami na nga lang ang magkasama tapos iiwan ko pa siyang mag-isa. Alam ko kasing wala nang oras sina Shan umuwi rito sa Cacienda dahil masyado na silang tutok sa pag-aaral.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon