Chapter 8- Once Again

152 7 0
                                    

    Kanibukasan, dala-dala ko pa rin ’yong nangyari sa amin ni Shan. Hindi pa rin ako bumabangon sa kama ko kahit may pinag-usapan kami kahapon na magkikita na lang sa labas ng SM.

    My phone suddenly vibrate so I stopped for a moment and check my inbox message.

    From: Unknown Sender

        Hi, President! I'm Ashley. Papunta na kami ng mga members sa inyo. Susunduin ka namin. Siguro, alam mo rin ang bahay ni Shan. Bye bye! See you later. Mwa <3

    Agad akong napabalikwas ng tayo dahil sa nabasa. Agaran kong inilapag ang cellphone ko sa aking kama at tumakbo papuntang banyo. Gosh! Bakit kailangan pa akong sunduin? Saka, hindi nila alam na parehas lang kami ng tinitirahan ni Shan.

    Madaliang ligo lang ang ginawa ko, at pagkatapos no'n ay kinuha ko ang aking Wide Leg Trouser Pants ko at Peach Long Sleeve Crop top. Napapikit naman ako nang medyo labas ang cleavage ko. Hindi naman sobra, pero kita.

    Lumabas agad ako sa aking banyo at sinuot ang High Heels Pumps ko.

    “Hello po! Good morning! Nand'yan po ba si Alice—uy, Shan! Balit ka nandito? Maling bahay ’ata napuntahan namin.”

    Dinig na dinig ko ang boses ni Ashley mula sa labas ng pinto ko. Malamang sa malamang ay gising na rin sina Kei, Trisha at Kali dahil anong oras na.

    “Hindi ka nagkakamali ng pinuntahan, Miss. Magkakasama kaming lima na nakatira rito nina Alice,” sabat naman ni Kei at malakas na kinatok ang aking pinto. “Hoy! Sino mga ’to? Hinahanap ka!”

    Bumuntong-hininga ako tumayo na sa pagkakaupo sa aking kama. Shit! “O-oo, saglit!” sigaw ko.

    “Omg! President, totoo nga?” sabi ni Ashley sa likod ng pinto ko.

    Unti-unti kong binuksan ang aking pinto at bumungad naman sa akin ang mga members ng SG. They are facing me with a look of shock. Binalingan ko naman si Shan na pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. A small curve form on his lips.

    “Daaaamn! Ano ’to ha?!” ngumunguyang sambit ni Kali.

    “Hindi raw nagsusuot ng hindi labas cleavage. Pero yakang-yaka naman sa croptop na gamit niya!” anas ni Liam.

    “S-sorry, magpapalit na lang ako.”

    “’Wag na! Anong oras na oh! May pasok pa tayo ng 2:30!” sabat ni Ashley at hinila ako palabas. “Salamat po sa pagtanggap sa amin sa loob ng bahay ninyo. Kukunin ko lang ito si President,” dugtong niya.

    “President?” Trisha asked curiously.

    “We’re SG officers, at si Alice ang president namin. And please, sana walang makaalam sa school, kayo lang ang pinagsabihan ko dahil kaibigan naman pala kayo ni Pres. May project kami na paparating sa Foundation Day at ganoon din kayo. Ayon lang, salamat ulit!”

    Hindi na niya hinintay pang makapagsalita si Trisha at tuluyan niya na akong hinila palabas ng gate namin. Napayakap naman ako sa sarili ko dahil sa lakas ng hangin. Crop top pa naman ang suot ko at medyo bukas pa ang banda sa dibdib. Mukhang nagsisisi na ako sa sinuot ko.

    I look at Hans direction at katabi niya pala si Kaden kaya aksidente na naman akong napatingin sa kaniya. Nakatingin siya sa akin na parang siya ang hindi kumportable sa suot ko. He look away after our eyes met. Umalis din siya sa tabi ni Hans at naglakad papalapit sa akin. I wonder what he will do again.

    “Bakit ka nagsuot ng gan'yan?” tanong niya nang makatabi siya sa akin.

    “Mali kasi ’yong nakuha kong damit. Magpapalit pa sana ako kaso dumating na kayo at kumatok na si Kei sa pinto ko,” sagot ko.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon