SEASON 2 PART 16

48 0 0
                                    

Invitation

Mabilis akong lumabas at padabog na isinara ang pinto. Tahimik lang ang paghikbi ko habang naglalakad papunta sa kwarto ko. Diring-diri ako sa sarili ko. I feel like I'm the dirtiest woman alive. Ginawa niya akong laruan, ginawa niya pa akong kabit. Anong iisipin sa akin ni Papa kapag nalaman niyang nakipaghiwalay na naman ako? Bwiset na buhay ito, hindi na naging tama, hindi na naging payapa, hindi na naging maayos.

Kanibukasan, narinig ko na lang ang mahinang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Tamad kong iminulat ang aking mata at nakita si Tita Rose na nakatingin sa akin.

"Hija, may nangyari ba?" bungad niya agad sa akin. "Nabalitaan ko na lang sa Papa mo na umalis na si Preston sa kumpaniya niya at babalik na ng Pilipinas."

Napahigpit ang hawak ko sa kumot. Tumingin ako sa kaniya pabalik na parang hindi naapektuhan sa nalaman. Hindi ko alam kung paano sisimulan sabihin ang nangyari kagabi pero ayaw ko nang magsinungaling, ayaw ko na magtago, ayaw ko nang itago ang katotohanan.

"May asawa pa po si Preston, Tita." Pumatak ang luha sa aking mukha. "H-hindi pa po s-sila h-hiwalay." Hindi maitago ang sakit sa boses ko. Maalala ko lang ang lahat ng sinabi niya sa akin kagabi ay parang kinukurot nang malakas ang puso ko.

"Hindi ko po g-ginustong m-maging k-kabit. H-hindi ko po a-alam ang t-totoo. K-kung a-alam ko lang s-sana, h-hindi ako p-papayag na ikasal sa k-kaniya."

Hinaplos ni Tita ang pisngi ko at umiling. "I'm sorry, Alice. Kung hindi lang sana kita pinilit na pakasalan si Preston. Ang alam ko ay napakabuting bata niya. Tungkol kay Jane, alam kong magpaparaya ang babaeng iyon dahil matagal na natapos ang ugnayan nilang dalawa."

Umayos ako nang upo at hinilamos ang palad sa aking mukha. "Hindi pa napipirmahan ang annulment paper nila, Tita Rose! Paano ninyo nasabing tapos na ang ugnayan nilang dalawa kung hindi niya magawang pakawalan si Preston, kung hindi niya magawang pirmahan ang kasunduan nilang dalawa! Kabit ako!"

Alam ko na ang rason ng pagbalik ni Preston sa Pilipinas. Gusto niyang lumayo sa akin dahil sa dinulot niya. Magandang desisyon iyon, para rin hindi ako pag-isipan ng masama ng asawa niya. Wala akong balak lumuwas ng Cacienda hangga't hindi ko natatapos ang apat na taon ko sa kolehiyo.

Napakarami ko nang napagdaanan sa buhay at hindi ito ang oras para sumuko. Wala akong magagawa kung maninirahan na siya sa Pilipinas at aayusin niya ang problema nila ng asawa niya. Wala akong magagawa kung magbabagong buhay siya roon at ipagpapatuloy ang trabaho ng magulang niya. Sapat na sa akin ang mawalay kami sa isa't isa dahil ayaw kong maging kabit niya.

*****

Lumipas ang isang taon at nakaraos na rin ako ng isang taon sa kolehiyo. Napakarami kong napagdaanang paghihirap pero hindi iyon naging hadlang para huminto ako. Lumalaki na si Ali, natututo na siyang magsalita kahit paunti-unti. Nakakaraos naman ako sa buhay kahit paano dahil nandito si Kuya para tulungan ko. Ito na naman ulit siya, nagbabalik bilang dantayan ko sa lahat.

Minsan ay inaabot na ako ng umaga dahil sa kaka-review ko sa paparating na exam namin. Hindi ako sumuko dahil may anak na akong papalakihin. Hindi man ako kasing talino ng Papa at Kuya ko pero namana ko naman ng sipag at tiyaga kay Mama. Pinalaki niya akong maging malakas at hindi umuurong sa kahit oportunidad ang pumapasok sa buhay ko. Naging tanga lang ako noon pero hindi na mauulit iyon.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naaasikaso ang annulment namin ni Preston. Hindi dahil hindi na siya bumalik at nagpakita, dahil din sa wala akong oras para pagtunan ang ganiyang bagay. Siguro naman ay maayos na ang buhay niya. Sana naman ay hindi na sila muli magkahiwalay kung nagkaayos na silang dalawa.

I just want to be happy on my own. Without someone getting my attention. Without someone in my life. Maayos akong nakakapag-aral at nakakapag-isip ngayong walang gumugulo sa buhay ko. I have Ali. My one and only strength and inspiration for everything.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon