SEASON 2 PART 2

61 1 0
                                    

It Can't Never Be

Kanibukasan, maaga kaming gumising ni Kei dahil tinawagan ako ni Shan. He's on the way here in Tagaytay, nagreklamo pa nga ako dahil napakaaga niyang lumuwas pero may pasok pa raw siya ng hapon.

"Are you sure you want to do this, Alice?" Bakas ang pag-aalala sa mata niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. "I'm ready for this, Kei. I can live without him, tama na 'yung ilang beses akong nagpakatanga at nagpauto sa kaniya."

"How about your baby? Paano kung hanapin n'ya ang Tatay n'ya sa'yo?"

"Maiintindihan ni Lea 'yon. Imumulat ko siya sa katotohanang hindi naging mabuting asawa ang ama niya sa akin." Binitawan ko ang kaniyang kamay at isinakbit ang maliit kong bag sa aking balikat. "Tara na, nasa labas na raw si Shan."

Sabay kaming naglakad palabas ng pinto at agad na sumalubong sa akin ang nakakunot-noong mukha ni Shan. Nakasandal siya sa pintuan ng kaniyang kotse habang pinapaikot ang susi sa daliri niya.

Nang matamaan niya ako ng tingin ay napatayo siya nang ayos. Saglit niya muna akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago kinuha ang bag na bitbit ko.

"Shan—"

"I know what happened, Aleena," matabang niyang sabi.

"Galit ka?"

"Yes. I'm mad at him for doing this to you again." Huminto siya sa ginagawa para balingan ako. "Bakit mo pa nga ba siya kikitain kung alam mong niloko ka ulit?"

"It's about the divorce paper, Shan."

"Kali can help you about that." He pointed his finger on me. "Makikipagkita ka pa kay Kaden?"

"Kailangan, Shan." Kinagat ko nang mariin ang aking labi.

"Para saan pa, Aleena? For him to manipulate you again? For him to convince you to withdraw about this divorce?"

"Hindi na ako para magpauto ulit, okay? I'm not gonna settle for less again. Trust me."

Hinilamos niya ang kaniyang palad sa kaniyang mukha tila napilitan lamang na makumbinsi sa sinabi ko.

"Sasamahan kita."

"I can do this alone—"

"Alam ko ang room n'ya." Napahinto ako sa pagsasalita. "And I'm not there to ruin your conversation with him. But I'm there if ever he try to hurt you."

Hindi na niya ako hinintay pang sumagot at pinagbuksan na lang kami ng pinto. Nanatiling tahimik si Kei sa aking tabi ngunit ramdam ko ang pag-aalala niya.

"I will be okay, Kei."

Nilingon niya ako. "You always say that, pero kailan ka pa naging maayos? Stop fooling yourself, Aleena. It's okay not to be okay."

Malungkot akong ngumiti sa kaniya at yinapos niya naman ako. Wala na akong magagawa kun'di bumitaw. Ilang beses na akong naging tanga at nagpadala sa mga salitang hindi naman makatotohanan. I want to live happily without him. Finally without him.

Ilang oras lang ang itinagal ng biyahe. Bigla akong ginapangan ng kaba dahil baka sa maaaring mangyari. He don't know that I'll come here for him. And he also don't know that I'm here to break the lines between us.

Bumaba kami sa isang napakalaking gate. Walang katao-tao sa field maging sa hallway. Halatang lahat ng estudyante ay nasa kani-kanilang dormitoryo.

"Tinawagan ko si Kali, sabi ko kitain na lang tayo sa second floor."

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon