Chapter 6- First Work

185 3 0
                                    

    “Last 10 minutes for you, Alice,” sabi ni Ma'am. Pandalas naman ako sa pagsusulat dahil may apat na items pa akong hindi nasasagutan. Mariin akong pumikit at aksidenteng napatingin sa gilid ko. Kaden was there, sitting, and staring at me out of the blue.

    “Chill ka lang. Pakopyahin kita, gusto mo?”

    Sumimangot ako nang ngumisi siya tila nang-iinsulto. Siya talaga umubos ng oras ko, e.

    “3 minutes left, Alice.”

    Pinagpapawisan na ang kamay ko habang sinusulat ang huling pangungusap sa aking papel. Damn you, Kaden. Kasalanan mo ’to. Siguro iyon ang plano mo, ang makita akong natataranta habang nagsasagot.

    Madiin kong tinurok ang aking ballpen sa aking papel para sa tuldok at agad na tumayo. “Tapos na, Miss,” sabi ko at inabot ang sagot sa kaniya.

    She slightly examine it first before looking at me. “Very good.”

    Malakas akong napadaing dahil sa narinig. God, akala ko hindi ko matatapos. Binalingan ko si Kaden na tumayo na rin at ibinigay ang papel niya. Nauna siyang natapos pero ako ang pinapauna niyang tumayo. Marami na rin ang sumunod at pinagbreak-time na rin kami ni Miss pwera sa akin na kailangan pang tapusin ang lahat ng exams sa loob ng tatlong oras.

    Tumingin ako sa aking kamay at pulang-pula ito. Nangingimay na rin at napapagod. I'm so tired of answering, damn.

    “Ah, Kaden!” tawag ko sa kaniya na papalabas pa lang ng classroom. “Pwedeng makisuyo? Hindi ko kasi nabayaran at nakuha ’yong order ko na Cappuccino Coffee sa cafeteria. Pwedeng makikiabot no'ng bayad ko?”

    “Ha? Bakit ko naman gagawin ’yon?” Nagtaas ito ng kilay at humalukipkip sa may pinto.

    “Please! ’Di ba nagtatanong ka kung ano gusto ko? ’Yon na lang, paki-bayaran na lang no'n. Ito bayad ko.” Kinuha ko ang pera sa aking bulsa at inabot iyon sa kaniya. “Salamat!” sabi ko at bumalik muli sa aking inuupuan.

    Nilabas ko ang aking cellphone at hinanap ang numero ni Kei. Siguro mas magandang magpaalam na muna ako na hindi ako makakasabay sa kanila ngayong araw.

    From: Aleena

        Kei, paki-dalahan na lang ako ng pagkain. Babayaran ko na lang sa'yo mamaya pagkatapos ng exam. Thank you! Mwa!

    Hindi ko na nilingon si Kaden kahit alam kong umabot pa siya ng ilang minuto sa pagtayo sa may pintuan. Rinig na rinig ko ang mga tilian sa labas at nakita kong may dala-dala na siyang pagkain pabalik at inilapag ito sa gilid ng aking lamesa kasama ang kapeng in-order ko kanina.

    “Alice, ito na ’yong pinabilin—”

    Bahagyang napahinto si Kei at Trisha sa paglalakad nang makita niya si Kaden sa harap ko at napatingin sa pagkain na kakalapag-lapag lang ni Kaden.

    “O-oh, sino nagbigay n'yan?” tanong ni Kei.

    “Si Kaden. Pinasuyo ko lang ’yong bayad ng kape ko kanina, tapos ayan na—may bitbit na siyang pagkain,” sabi ko.

    “E, paano na ’to? Balik ko na lang sa canteen tapos sasabihin kong naubusan ka ng oras kaya hindi nakain?” Tumingin siya sa pagkain na bitbit niya bago balingan muli ang lalaki na matiwasay nang nakaupo sa likod. Ngayon ko lang napansin, magkatabi pala sila ni Kei ng upuan, kaya pala parang biglang nailang na naman si Kei.

    “Uy, hindi! Sayang effort mo, ’no! Salamat, kakainin ko ’to mamaya,” sabi ko. Inilapag naman niya ang chicken curry na may kasamang coke at fries sa gilid.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon