Chapter 48- Dreams

189 5 0
                                    

    Ilang linggo muli ang lumipas na wala akong ginagawa sa bahay kun'di ang kumain at humilata. Being pregnant is hard. Nagmumukha akong anak ng bahay dahil hindi ako makalabas. May oras naman na tumatambay ako sa balcony namin sa baba para magpa-araw saglit. Healthy raw kasi iyon.

    “Anong almusal natin?” tanong ko nang makapasok ako sa loob.

    Kaden was busy doing his own stuff on his laptop but he manage to stop just to look at me.

    “What do you want? I'll cook,” wika niya.

    “Ano bang meron sa ref?”

    “Bacon, nuggets, longganisa, eggs and hotdogs. Hindi pa ako nakakapamalengke ng mga baboy at manok, baka mamaya na lang siguro.”

    Tumango ako at naglakad papuntang kusina. Huminto naman siya sa pagtitipa at sinundan ako ng tingin. Naglabas ako ng dalawang itlog, isang balot ng bacon at longganisa para bumaba ang yelo kahit konti. Hindi kasi maluluto ang loob kung isasalang ko agad sa kawali.

    I heard the chair move and I know it was Kaden who stood up. “Ako na ang bahala rito, Alice. Magpahinga ka na lang,” utas niya at kinuha ang gunting sa kamay ko.

    “Hindi, ayos lang. Finish your stuff first, Kaden. Prito lang naman ito, hindi mabigat na gawain.”

    Tumingin siya sa akin. “I can continue it later pagkatapos kong magluto. Apat na kilo na ang tiyan mo sabi ng doktor, don't stand too much. Baka mangalay ka.”

    “Jusko naman ’to. Hindi naman ganoon kabigat si baby. Pagbigyan mo na ako, ang boring dito sa bahay tapos hindi mo naman ako pinapayagan lumabas nang hindi ka kasama.”

    I pout and he just stared at me for a few seconds before giving the scissor back to me. Ngumiti naman ako at hinalikan ang pisngi niya bago buksan lahat ng inilabas ko.

    I thought that he leave and go back from what he was doing earlier but I'm wrong. Nakatayo lang siya sa may gilid ng cabinet namin habang bising-bisi sa panonood sa akin.

    “You may go na,” sabi ko at itinuro pa ang lamesa para sabihing bumalik na siya roon ngunit hindi siya sumunod.

    “I’ll watch you cook. Hindi ako mapalagay, e. I just can't leave you while doing this stuffs here. Ang clumsy mo pa naman.” Tumawa siya.

    “Excuse me, Mister. Anong sa tingin mo, pinanganak lang ako para pagsilbihan mo? Maalam akong gumawa rito sa kusina ’no?” katwiran ko.

    “Oo, madali lang naman talagang gumawa ng bata, este gumawa rito sa kusina.” He simply showed a awkward face and I just felt how my face turns into red.

    “N-nanggagago ka ba? Gusto mong ipaligo ko sa'yo itong kumukulong mantika sa kawali?” sigaw ko.

    “Nagbibiro lang naman. Sige na, ituloy mo na iyan, baka masunog pa. Ikaw ang gagawin kong almusal kapag hindi ko napigilan ang gutom ko.”

    Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Habang nagluluto ako sa kusina ay namamawis ang buong katawan ko kahit malamig naman ang buong lugar. Nakakainis talaga ’yong lalaking ’yon. Napaka-agang manburaot.

    Nang matapos na ako sa pagluluto ay tumulong siya sa paghahain ng mga plato sa lamesa habang ako naman ay bisi sa paglapag ng mga pagkain. I looked at him and caught him staring at me back. Bigla akong napaiwas ng tingin at narinig ko naman ang mahinang paghagikgik nito. Bwiset talaga.

    “Masyado mong ginandahan ang pagluluto ah, hindi nasunog. Takot ka ’atang makain ngayong umaga.” Humagalpak siya at inis ko namang inilapag ang kutsara’t tinidor sa tabi ko.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon