“Alice?”
Sabay kaming napalingon sa likod ko. Nakita ko si Kei, Trisha at Shan sa likod ko. I wonder where's Kali again?
“Uy, Kei!” masayang tawag ko sa pangalan niya.
Nanatili lang siyang nakatingin sa likod ko. Binalingan ko si Kaden na wala sa sariling nakatitig din kay Kei. Nagkunot-noo ako at inalog ang balikat nito.
“Huy! Ito nga pala si Kaden Zeyn Caciendero. S'ya ’yung tumulong sa akin kanina, at ’yung nagpahiram ng blazer sa akin,” wika ko.
“Ay wow! Sana all, Te! Anak ni Brennon Caciendero ’yan ah!” sabat ni Trisha.
“Tsk. Uy, Kei! Ano, na-love at first sight ka na?” tumawa ako. “Hayaan mo, sabi mo gwapo rin ex mo. Balikan mo na lang!”
“Magkasama kayo?” tanong niya sa akin.
“H-ha?” Nagkunot-noo ako at tumingin sa kaniya.
“Ang sabi ko, kung magkasama kayo?”
Napasimangot ako nang magbago ang tono ng boses niya. Bakit parang galit na galit naman ’ata siya?
“O-oo, kanina. Teka, b-bakit parang galit ka sa akin?” sabi ko.
Tumingin ako kay Kaden. He looks pale as my skin. Dinamayan na siya ngayon ni Shan. He pat his shoulder and smack it. Anong nangyayari?
“S-siya ’yung tumulong sa'yo?” tanong ulit ni Kei.
“Oo nga. Saka bakit parang ang putla mo? Ayos ka lang?” tanong ko.
“W-wala, nahihilo kasi ako kanina pa. Sabi ko kay Shan ay hanapin ka na namin para sabay-sabay na tayong umuwi sa Condo.”
Kinapa ko ang ulo niya at medyo mainit nga ito. Dapat pala ay hindi na ako nagtagal dito, nalimutan ko rin naman kasing may kasama ako dahil masyado akong napasarap sa pakikipagkwentuhan sa lalaking ’to.
“Sige, tara na. Shan, umuwi na tayo. Baka rito pa mawalan ng malay si Kei,” sabi ko.
“Sige, pre. Bukas na lang,” dinig kong sabi ni Shan kay Kaden.
“Ay, oo nga pala, Mr. Caciendero. It was nice to meet and dance with you. Thank you ulit!” Ngumiti ako.
Ngumiti siya sa akin. Napatanga ako rito. He looks so hot when he smile. Tumingin ako kay Kei at nakatingin na naman ito kay Kaden. Susmaryosep.
“Huy, tama na ang kakatitig—”
Napahinto ako sa pagsasalita nang ipatong ni Shan sa balikat ko ang blazer niya. Napalunok ako at tila hindi alam ang sasabihin. Langhap na langhap ko ang amoy niya at ang tanging nagagawa ko na lang ay ngumiti.
“Bakit sa akin?” tanong ko at hinimas-himas naman niya ang ulo ko. Nakita ko naman ang pasimpleng pagtingin sa akin ni Kaden. Maigi niyang pinagmamasdan ang galaw ni Shan kung anong gagawin niya sa akin.
“Hindi ko na hahayaang mangyari ulit sa'yo ang nangyari kanina, Aleena. Mabuti na lang talaga ay nakita ka ni Kaden, kung hindi ay malamang sa malamang...mapapatay ko sa galit si Ten,” wika niya.
“Pero...si Kei ay masama ang pakiramdam, dapat sa kaniya mo ito ipahiram,” sagot ko naman.
“’Wag kang mag-alala, Alice. Ako na ang sagot kay Kei.” Hinubad ni Kali ang suot niyang blazer at iyon ang ipinatong kay Kei. Tumingin ako sa aking harap at nakitang wala na roon si Kaden. Ang bilis naman niyang umalis.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...