Bumagabag sa utak ko ang sinabi ni Hans. Buong parte sa akin ay ayaw maniwala, pero meron ding kaunti na nagsasabing 'malay mo ’yon nga ang dahilan'. I don't know if ue deserves a second chance. He gives me so much trauma. At kung totoo mang hindi n'ya anak iyon, bakit hindi nagsasabi ng totoo si Kei?
Bakit hindi s'ya maglakas-loob na humarap sa akin at sabihing mali ang lahat ng sinabi niya. Na wala iyong katotohanan. Bakit kailangan pang magsinungaling? May magandang maidudulot ba ’yon sa kanila? Magkakaroon ba sila ng magandang buhay ro'n? Things are getting hard to understand. Everything's complicated and I don't know who should I trust.
“Saka mo na ’yan isipin, President. Hindi nagmamadali ang oras para sa inyong dalawa. Take time to heal before going back to each other.” I shook my head and smile. Ngumiti rin naman ito sa akin. “Hindi ka nag-iisang nagluluksa ngayon. May hinihintay rin akong bumalik sa akin.”
Matukso akong ngumiti at natawa naman siya sa ginawa ko. “Ikaw ha! Bakit ano bang nangyari sa inyo?” tanong ko.
“Naghiwalay kami pagkatapos ng limang taon naming pagsasama. Her parents found out about our relationship, at sinabi niya sa akin na hindi pa handa ang magulang n'ya para hayaan s'ya sa relasyon. At isa pang dahilan, masyado raw silang mahirap kumpara sa akin. Masyado mataas ang pamumuhay ko kaysa sa kanila. It's been 3 years since that happens. At tatlong taon na rin ako naghihintay sa pabalik n'ya. 'Cause she promised me, she'll be back when both of us are ready.”
Pumorma ng hugis bilog ang aking labi. It's been a years na rin pala. At napaka-haba ng pasensya n'ya para hintayin ’yong babae. Ang masaklap nga lang, paano kung nakahanap na s'ya ng iba? ’Yong taong mas tanggap ng magulang n'ya? ’Yong taong kahit hindi mataas ang estado sa buhay ay kayang ibigay ang pangangailangan n'ya? Malamang sobrang sakit no'n para kay Hans.
“She will comeback. Magtiwala ka lang sa kan'ya. If you both love each other at pursigido kayong magkita muli, wala s'yang ibang rason para makahanap ng iba.”
“Bakit mo naman nasabi na makakahanap s'ya?” Nagkunot-noo ito.
“A person's mind can change, Hans. May expiration din ang pag-ibig, at malalaman mo lang ’yon kapag isa na sa inyo ang nawalan ng pakialam sa mga pangarap na gusto n'yong makamit nang magkasama. A person can fall out of love. A person can lose its own feelings towards you. Hindi mo naman masasabi na ikaw pa rin kasi hindi naman nga kayo nagkikita pa. Just don't expect too much from her, Hans.”
“God will change your plan if it's not for you. God will destroy your plan if it's hurting you. He will guide you to the right path kaya magtiwala ka lang. Surrender everything to him and he will help you to achieve what you are wishing for.”
Malapad siyang ngumiti at tinapik ang balikat ko. Nakakapigil hinginga ang bigat ng kamay niya dahil sa laki nito. Pakiramdam ko nga sakop na ng palad niya ang ulo ko.
“Thank you. I will do that.”
Bumaba na kami pagkatapos ng pag-uusap. Puro kasambahay lang ang nakikita ng mata ko. Bigla akong napaisip, ano kayang hitsura ng Nanay at Tatay niya? Pero kung tititigan ko nang mabuti si Hans, parang may kamukha siya na pamilyar sa akin. Pilit kong inaalala pero hindi ko maisip kung sino.
“Dito na lang daw muna po kayo maghintay, pababa na raw si Madam at Sir,” sabi ng isa sa kasambahay niya.
Tumango si Hans at ipinagtulak ako ng upuan. Ngumiti ako sa kan'ya at nagpasalamat. Ilang minuto na ang lumipas ay may narinig akong yabag ng mga sapatos sa aking likod. Napalunok ako nang matindi dahil sa kaba. Ang mga kamay ko ay nanlalamig na rin at namamawis. Yumuko ako nang maramdaman kong nasa harapan ko na sila.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...