I'm Sorry
He can't understand because I'm lying. He can't help me because I was hiding the truth. Ang hirap kimkimin ng nararamdaman ko pero sa tingin ko ito ang makakabuti. Wala pa akong isang taong kasal kay Kaden. Tiniis ko lahat, dinadaan ko lang sa iyak. Pinipigilang hindi magsalita kahit gustong-gusto ko nang umimik.
Akala ko magbabagong buhay na siya. Akala ko iiwan na niya ang gawain niya noon. I thought I could change him. I thought I could help him. Pero dahil sa ang bilis kong mauto ay hindi ko nahalatang pinagmumukha niya lang akong tanga. Umaasang hindi na mauulit ang nakaraan.
"You can stay here—"
"I will go, Papa." Nanlaki ang mata niya. "I need time for myself. Naiintindihan naman po iyon ni Kaden."
Walang nagawa si Papa kun'di tumango. Pinagpatuloy niya na rin ang pag-iimpake at ako naman itong nakatulala lang sa aking paa. Iniisip kung gaano ko katagal itong itatago sa kan'ya. Kahit kailan ay hindi pa ako nakakapagsinungaling kay Papa. That's why lying to him for the first time makes me guilty.
"Aalis tayo mamayang ala-una. Magpapahatid tayo sa Van para hindi ka mababad sa init."
Marahan akong tumango at ngumiti naman siya sa akin pagkatapos ay humalik sa aking noo. Tumayo ako at pinalupot ang balabal sa aking balikat.
Nang makarating kami sa airport ay mahigit isang oras pa kaming naghintay bago makapasok sa eroplano. I looked outside the window, iniisip kung magiging masaya ba ako sa desisyon ko. Tumabi sa akin si Papa at binalingan ko s'ya. He slightly curve his lips and I looked away. This is so worse.
Habang tumatagal ay bumabagabag sa utak ko ang mga kasinungalingang sinabi ko sa kan'ya. Durog na durog ang puso ko at tila hindi mapakali sa ginagawa kong paglilihim. Hindi ko makita sa isip ko ang maaaring reaksyon ni Papa kung sakaling malaman niya ng totoo.
I can't tell him that I just file a divorce between me and Kaden. Dahil alam kong hindi niya iyon matatanggap.
"Is there something bothering you, Alice? Kanina ka pa nakatulala riyan at mukhang problemado."
Napalingon ko kay Papa. Hindi ako makatitig nang maayos sa mga mata niya dahil kahit anong oras ay pwede akong humagulgol at mapasabi ng totoo sa harap niya. I'm scared...I'm fucking scared.
"Hindi lang po ako sanay sumakay ng eroplano, Pa. Medyo matagal na rin po kasi ako ulit makakauwi ng Canada," wika ko at tumango lang s'ya.
"Uuwi ka rin ba ng Pilipinas kapag nanganak ka na?" He looks serious. Namamawis ang kamay ko sa bawat tanong niya.
"H-hindi po, Pa—"
"Let Kaden see your daughter, Aleena. Alam ko namang maglalaan iyon ng oras para lang makita ang anak n'yo."
Hindi ko mapigilang mapalunok dahil sa panunuyo ng aking lalamunan. Habang tumatagal ay lumalalim ang pag-uusap namin. Ayaw kong madulas sa sinasabi ko. Dahil kahit anong oras ay pwede n'yang malaman ang totoo.
"Mags-send na lang po ako ng picture sa kan'ya—"
"That's not enough, Aleena. Let him carry or hold your daughter just once. Aalis na rin iyon ng Pilipinas sa susunod na buwan. Hahayaan mo lang ba na hindi mahawakan at makita ng asawa mo ang anak ninyong dalawa?"
I held my tears back. Panay na rin ang kurot ko sa aking daliri dahil hindi ko mapakali. Tama si Papa. Pero dahil sa panloloko niya sa akin ay ayokong magkasalubong ang landas naming dalawa. Sa tuwing naaalala ko siya ay parang pinipiga ang puso ko sa sakit.
"O-opo, Pa. U-uuwi ho ako." Agad na kong umiwas ng tingin at bumaling ulit sa labas ng bintana. Doon ko hinayaang lumandas ang mga luha ko sa aking mukha. Napahirap na maglihim ngayong ganito ang sitwasyon ko.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...