“Alice—Alice? It's already 6:30 am, may balak ka pa bang gumising?”
Pumungas-pungas ang mata ko nang maramdaman kong may umaalog sa akin mula sa paahan. Kinusot-kusot ko pa ang aking mata bago tignan ang taong sumisira ng tulog ko.
I saw Shan standing in front of me while staring and smiling at me. Gusto ko sanang sabihin na panaginip lang ito pero natandaan ko ang sinabi niya kagabi na gigisingin niya ako ng eksaktong ala-sais.
Bigla akong napabalikwas ng bangon at mabilis na naglakad papuntang banyo ko. I look at myself in the mirror and my face was oily as fried chicken. Tangina, bigla akong nahiya dahil sa itsura ko. Nalimutan kong gumamit ng skin care products dahil sa sobrang pagod at sakit ng katawan ko.
Agad kong hinilamusan ang aking mukha at nagtoothbrush. I brush my hair too para magmukha naman akong maayos sa harap niya.
“Alice, are you okay?” Kumatok siya sa pinto at akmang bubuksan ito ngunit agad kong pinindot ang lock button para hindi siya makapasok.
“O-oo, ayos lang. M-maliligo lang ako saglit, hintayin mo na lang ako r'yan.” I said stuttering.
“Sigurado kang ayos ka lang? Mukha kasing gulat na gulat ka no'ng makita mo ako—”
“Hindi ah!” sigaw ko. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at mariing pumikit. “Naalimpungatan kasi ako dahil narinig ko ’yong 6:30. Sorry, kanina mo pa ba ako ginising?” tanong ko.
“Uhm...hindi naman. Kakapasok-pasok ko lang, akala ko kasi gising ka na kaya hindi ako kumatok.”
Hindi na ako sumagot at binuksan na lang ang shower. Hindi na ako mag-aabalang lumabas para kumuha ng damit kong susuotin dahil may sarili naman akong cabinet dito sa loob ng banyo.
Pagkatapos kong maligo ay nagsuot muna ako ng bathrobe at namili ng isusuot ko. Linggo naman ngayon kaya pwedeng magsibilyan sa school. 4 days lang ang pasok namin, MWFS. I wear my simple red off-shoulder crop top and black palazzo pants. Tinerno ko rin ang 3 inch Minimalist Point Toe Court pumps at hinayaang nakalugay ang hindi gaano kahabaang buhok ko.
Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako ng banyo. I saw Shan looking peacefully at my picture in the frame. Iyon ’yong may hawak akong bulaklak habang nakangiti at nakapikit. It was actually a stolen shot that turns into a beautiful picture. Summer kasi no'n kaya napagpasyahan namin nila Papa na gumala sa Sunflower Farm sa Tagaytay. Sinama ko no'n si Trisha at Kei para may taga-picture at kakwentuhan ako.
Hindi ko pa no'n kilala si Shan at Kali. Tanging kaming tatlo pa lang talaga ang magkakaibigan noon.
“Huy! Ginagawa mo?” tanong ko kahit halata naman kung ano ang ginagawa niya.
“Ikaw pala ’yon,” sabi niya at ngumiti sa akin.
“Ha? Anong ako? ’Yong nasa picture? Oo, ako nga. Mukha bang mapupunta ’yan sa kwarto ko kung hindi ako?” pamimilosopo ko.
“I was in there too. At ikaw pala ’yong babaeng nakakuha ng atensyon ko no'n. We have a family date, at imbis na makisama ako sa pamilya ko ay mas pinili kong panoorin ka.”
Nanlaki ang mata ko at pinanatilihing nakatikom ang aking bibig. Tumayo siya at inilapag ang frame sa lamesa ko. Humarap siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
“Napakaganda mo no'ng araw na ’yon, Alice. That time, I can't take my eyes off you.”
Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa balat. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg at nakakapanghina iyon.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomantizmThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...