SEASON 2 PART 14

56 0 0
                                    

Date

Aleena's POV

Halos mapiga ang utak ko buong araw. Matamlay kong iniligpit ang mga gamit kong nakakalat sa lamesa at ginulo ang aking buhok. My godness! First day na first day ay parang matutuyuan na ako ng brain cell dahil sa daming gawain. I'm so stress right now!

Tamad kong hinalungkat ang bag ko para hagilapin ang telepono ko. Humugot ako ng malalim na hininga at umaasang sana ay may mensahe akong matatanggap na magpapaganda ng maghapon ko. At sa pagkabukas na pagkabukas ko ng aking WiFi ay napakaraming lumabas sa screen ko. Nawala agad ang pagod ko nang makita ang sunod-sunod na mensahe mula kay Preston.

From: Preston

(sent a photo)

Hi, My Love! How are you there?

I'm just sipping a coffee right now and I'm missing you so much :(

I can't wait to see you and ask about your day.

I hope your not getting in trouble in there.

But it'll be okay, I will help you with your homeworks so you won't be sad na.

I will do anything for you, My Love! :)

I love you always, Aleena.

We'll date later, just to congratulate you. For having a successful first day in school.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mensahe niya. Agad akong nagtipa ng ire-reply ko at isinakbit ang bag sa aking balikat. Dali-dali akong lumabas at nag-ayos ng mukha habang hinihintay siya.

From: Aleena

I'm here na sa waiting area.

I badly want to see you right now, I'm stress. :(

Can't wait to hear about your day too.

I love you more, Preston.

Umupo na lang ako habang iniisip ang maaari naming gawin mamaya. Ngunit nang maalala ko ay may anak nga pala akong naghihintay sa akin sa bahay. Agad kong hinanap ang numero ni Tita Rose sa aking contacts at dinayal ito. I failed as a mom today. How could I forget my daughter?

"Oh, hello, Alice---"

"Tita Rose, kumusta ang anak ko?" pagputol ko sa kaniya. Bakas ang pag-aalala sa boses ko. Hindi ko maitatanggi na naiinis ako sa sarili ko ngayon. Hindi ko man lang naalalang tawagan kanina si Tita para tanungin ang lagay ni Ali.

"Yana's okay, Alice. Why you sound nervous?" medyo natatawang tanong ni Tita.

Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman at maayos lang siya. "Hindi naman po ba nag-iyak, Tita?" tanong ko at napatingin sa kabilang kalsada.

Napaayos ako nang upo nang makita kong may isang lalaking nakatayo roon at nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko siya mamukhaan dahil nakatakip ang mukha nito. Nakasuot din siya ng itim na hoodie at nasa magkabilang bulsa ang kamay niya. Napakapit ako nang mahigpit sa suot kong palda. Who is he? Bakit ganoon siya makatitig sa akin?

"Hindi naman maiiwasang umiyak ang isang bata, Aleena." May halong tawa sa sinabi niya. "She cried but I take your advice, ngayon mahimbing na ang tulog niya," dugtong pa niya.

Inalis ko na lang ang aking atensyon sa lalaki at humugot ng malalim na hininga. "Nakalimutan ko lang po kasing kamustahin siya sa inyo dahil ang dami kong gawa."

Narinig ko ang yapak niya sa linya at sa tingin ko ay lumipat ito ng puwesto. Muli akong tumingin sa kabilang kalsada at nakitang wala na siya roon. Sinuklay ko ang akin buhok gamit ang mahahaba kong daliri.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon