Chapter 18- Live In

128 5 0
                                    

    Nakarating na kami sa condo namin ay mabilisang impake lang ang ginawa ko at nagsulat ng letter para magpaalam sa kanila. Syempre, hindi ko sinabing kay Kaden ako tutuloy dahil baka magkagulo sila. Sinabi ko lang na uuwi muna ako ng probinsya nina Lola sa Quezon. As simple as that.

    “Tara na?”

    Tumango lang siya sa akin at tinulungan akong ilagay ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan. Tulog pa rin si Kaden ngunit ang noo niya ay nakakunot na parang kapag kinalabit mo ito ay masasampiga ka nang malakas.

    He's still good looking as ever. He was famous at school, but not like Shan. Tago kasi ang pangalan niya at walang nakakaalam na Caciendero siya pwera lang sa aming mga officers at pamilya niya.

    I wonder why he doesn't want to reveal his true self. Anong kinakatakutan niya na ayaw malaman ng iba?

    “Kaano-ano ka ni Kaden?” tanong ko nang makapasok sa loob ng kotse.

    “I’m his body guard since he's still a kid. His parents can't check him always because they're too busy in business. Nasanay siyang ako ang kasama niya hanggang paglaki at hindi na niya masyadong nakakahalubilo ang magulang niya.”

    “He’s mad and feel lonely. He's never been happy with his parents. I don't know why Saturn and Brennon do that to their child. He feel abandoned, and he even consider his self an orphan kid.”

    Tumingin ako sa walang kaalam-alam na si Kaden. I'm just proud because he's strong, kung tititigan mo sa mata ay akala mo wala siyang problemang dinadala. He's chill and act like nothing.

    They influenced him too much. I know Kaden was a good child, pero dahil pinabayaan nilang iba ang mag-alaga, hindi niya na alam ang pakiramdam ng may magulang. I wish his parents realize something good from him.

    Habang nasa byahe kami ay nakatitig lang ako sa labas ng bintana, iniisip kung anong mangyayari kapag nagpatuloy ang ganitong pamumuhay niya. He's grateful because Fafnir was here for him. Pero paano kung dumating ’yong araw na aalis na siya at si Kaden ay maiiwang mag-isa. I know his life would be totally miserable.

    Hindi naman ako interesado sa buhay ng iba. Hindi rin ako mahilig makisawsaw sa pamilya ng may pamilya. Pero si Kaden, his life was like mine. I don't bother when my father doesn't wants me because my brother, my cousin, aunties, and my grandma likes me. Si Kaden ay wala, may tropa siya pero mukhang magkaaway pa sila ni Shan dahil sa akin.

    Maybe living with him for a week isn't bad. I guess I made a good choice. Wait, what? Mag-aalaga lang ako pero hindi ako titira sa kanila habang buhay. Hangga't maaga, gagawin ko para mabilis siyang gumaling at makauwi rin agad.

    “We’re here. Wake him up.”

    “Ha? May sakit ’yong tao, bakit mo pa gigisingin,” sabi ko.

    “Kaya mo bang buhatin iyan paakyat sa kwarto niya? Our maids are lady like you, mabigat si Kaden, Young Lady.”

    Did he just call me Young Lady? Baduy!

    “Alice na lang,” wika ko at tumalikod sa kaniya para harapin ang tulog na tulog na si Kaden. Can't he just wake up on his own?

    Pumasok ako sa loob ng driver seat at sinara lahat ng pinto. I open the radio on my right side and put it on full volume. Pero syempre, para hindi masaktan ang tenga ko, naghanap ako ng earphone o kahit anong pantakip sa tenga ko bago magpatugtong nang malakas.

    When I saw him wake up, pinatay ko na rin ang tugtog dahil mukhang takot na takot siya sa nangyari. But when he saw me in front, he raised his one eyebrow and look at me intimidatingly.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon