Chapter 25- Pain

176 3 0
                                    

    Nagsimula na ang break ng mga kagaya naming 1st year college. Nagpalit na rin kami ng susuotin dahil pagkatapos nito ay maglilibot na muli kami. Hindi mo maisip na ako mismo ang gumawa ng pusta sa aming dalawa. At bakit nga ba pakikipagrelasyon ng tatlong buwan ang naisip ko, e, ang dami pa namang iba?

    Simula no'ng nag-usap kami kanina ay hindi na niya ako nilubayan. Kung saan ako pupunta ay nandoon din siya. He's like a puppy, at ang masasabi ko lang ay hindi ako naiirita sa presensya n'ya. I don't know why, but I feel comfortable with him.

    “Kain na muna tayo, Alice. Hindi pa tayo nagbe-break,” aniya sa akin.

    Nagulat naman ang mga katabi ko dahil sa sinabi niya. Lahat sila ay napatingin sa gawi namin at ang una ko namang napansin ay ang reaksyon ni Shan na pinaglilipat-lipatan kami ng tingin tila nagtataka sa aming dalawa.

    “Yeah, we should eat. Nagugutom na rin kasi ako.” I smiled. “What should we eat then?” I looked at him. And the people her got more confused.

     “Uwi muna tayo sa bahay tapos ipagluto mo ulit ako. May isang oras mahigit pa naman tayo dahil mauuna ulit sina William sa atin.”

    “Woah! Woah! Teka nga! May relasyon ba kayong dalawa?” sabat ni Hans.

    Malakas akong napalunok dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Pero dahil nang maalala ko ang deal namin, hindi naman siguro masamang magsabi ng oo.

    Akma ko nang ibuka ang aking bibig nang biglang magsalita sa si Kaden.

    “Oo, kakasagot lang sa akin ni Alice kanina.” And then he looked at Shan, feeling furious.

    “Hala, weh? Hindi ba dapat si Shan ang ka-relasyon n'ya kasi sila ang madalas magkasama.” He laugh. “Oh, god! Ang galing mong magtago, Alice ha!”

    Ang totoo ay wala naman talaga akong balak makipagrelasyon sa lalaking ito kung walang nangyari na hindi maganda sa pagitan namin ni Shan. I love him so much but he just waste my trust, time and effort I give for him.

    This is just a fake relationship, pero pakiramdam ko ay totoo dahil sa kung paano ako tratuhin ni Kaden. He's so passionate and thoughtful when it comes in some things. Kanina niya pa ako kinukulit na kumain muna kami dahil may oras pa namang natitira bago maglibot.

    “We’re just f-friends,” wika ko at napatingin kay Ashley na nakauyo lang sa isang tabi. Literally, that bitch ruined everything.

    “We thought that...you're in relationship with him. We saw you on the concert hugging and holding each other's hands.”

    “That’s friends thingy.” I laughed awkwardly. “Saka, hindi ako pwedeng makipagrelasyon d'yan sa tropa mo dahil si Ashley ang girlfriend n'yan.”

    “What?! No!” sabat agad ni Shan.

    “Tara na, Kaden? Gutom na kasi ako.” Tumingin ako sa kaniya at nakatitig lang ito sa mga mata ko tila binabasa ang aking isip. I hold his hand and pretends that I'm not hurting.

    Lumabas na kami ng office at mabilis akong inalis ang kamay ko sa kamay niya. I feel tired always and I think my soul is not cooperating on my every moves. Para bang wala akong lakas para gumawa ng mga bagay-bagay at pagod na rin ang utak ko kakaisip ng mga pangayayaring dapat hindi ko na lang iniisip.

    “Let me hold your hand for a while, Alice.”

    Mabilis akong napalingon sa kaniya at napansing parang kanina niya pa ako gustong kausapin. Should I put my hand on his hand, or not?

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon