Tayo
Nagkulong na lang ako magdamag sa kwarto pagkatapos no'n. Ayaw ko nang lumabas dahil malamang sa malamang ay magtatagpo na naman ang landas naming dalawa. Ayos na sa akin 'yung isang beses ko ulit mapagmasdan ang mukha niya. Ayos na sa akin na hindi ko makita at makilala ang asawa niya dahil paniguradong maiinggit lang ako sa kaniya.
Tumayo ako sa harapan ng bintana ko at dinama ang hanging sumasampal sa mukha ko. Dinig na dinig ko pa rin ang ingay sa baba. Tumingin ako sa orasan at alas-diyes pa lang ng gabi. Sana ay hindi na sila magtagal dito. Nakakahiya naman kasi kung wala ako sa baba, para sa akin ang selebrasyon na ito tapos ako pa ang hindi nagpapakita sa kanila.
Pinilig ko ang aking ulo at huminga nang malalim. Hindi ko dapat iniisip ang ganoong bagay. Masaya na si Preston at hindi na dapat ako nagpapaapekto sa naging nakaraan naming dalawa. Kinuha ko ang pangalawang damit na napili ko kaninang umaga. Simpleng Backless Split Thigh Bridesmaid Dress lang naman ito. Wala siyang kahit anong disenyo ngunit lumalantad ang makinis at maputi kong likod.
Tinawag ko rin si Ms. Cloe at ang mga kasama niya para muli akong ayusan. Ang aking buhok ay nilugay ko na lang at pinakulot ang ilalim para maging maayos tignan. Kanina kasi ay nabibigatan ako sa ulo dahil nakapalupot ito.
"Mukha kang stress, Madam. Dahil ba sa nangyari sa inyo ni Ms. Criselda?" Nakakunot ang noo niya tila nag-aalala sa akin.
"Pagod lang ito sa maghapon, Ms. Cloe. Ang daming tao, e. Nagsayaw pa ako sa dance floor kanina."
Tumango na siya at nagpatuloy sa ginagawa. Nang matapos sila ay nagpasalamat ako at saglit na tumingin sa salamin bago lumabas ng kwarto. Saglit akong sumilip sa baba at nakita ro'n sina Papa na masayang nakikipagkwentuhan kay Preston at ang...asawa niya. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila pansing nakadungaw ako sa hagdan at pinagmamasdan sila.
"Oh, Bunso!" nakangiting sambit ni Kuya. Lahat sila ay napatingin sa akin nang tuluyan akong makababa. Lumapit ako sa direksyon nila at nakita ko naman ang pagsunod ng mga mata ni Preston ngunit hindi ako nag-abalang lingunin siya. How could he look at me when his wife is just besides her? Mabuti na lang ay hindi napansin ng babae.
"Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong ko.
Nakita ko naman ang pagkagat ng labi ni Papa at ngumiti. "Tungkol lang sa divorce ni Jane at Preston."
I snorted and slowly shook my head. Napakatagal na noon pero pinag-uusapan pa rin nila. Nagbalikan na 'yung tao, hindi ba sila maka-move on?
Umawang ang aking labi. "Oh...I though it was something interesting," matabang kong wika at tumingin kay Preston na ngayon ay blanko lang ang mukhang nakatingin din sa gawi ko.
"You misunderstand, Ms. Salvatore." Napatingin ako sa asawa niyang nagsalita. Medyo napataas naman ang kilay ko dahil hindi ko nagustuhan ang tono ng boses niya. "I can clearly announce to you that I and Preston were officially divorced."
Namilog ang mata ko ngunit hindi ko pinahalata sa kanila ang gulat ko. I simply flipped my hair and give them my sarcastic smile. Nakita kong nagtiim ang bagang ng babae kaya natawa ako rito. I don't hate her. She's actually pretty. Singkit ang mata, pantay ang mga ngipin, maputi ang balat ngunit mas maputi ang sa akin. Ang kaniyang ilong ay matayog at pantay ang pagkakahulma. I can say, she's perfect. Pero 'yung paraan ng pakikipag-usap niya sa akin ay hindi ko nagugustuhan.
"Like I care, Ms. Jane. Kahit pa sabihin mong hiwalay kayo, ginawa akong kabit ng asawa mo."
Malakas siyang tumawa at maski ang mga kapatid ay nainsulto sa pagtawa niya. "Oh my gosh, Preston!" natatawang sambit niya at may paghampas pa sa braso ng lalaki. Nasaksihan ko naman kung paano magbago ang mood niya dahil sa narinig mula sa akin. "Isang Salvatore pa talaga ang ginawa mong kabit! I pity her for what you did!"
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...