Maaga kaming gumayak para sa pag-alis. Tinawagan ko na rin si Kuya para sabihin kay Papa na uuwi muna ako kahit saglit. Malapit na kasi ang pasukan namin kaya kahit paano ay makabisita man lang ako sa bahay ngayong buwan.
“You want to eat something?” tanong niya sa akin habang tutok na tutok ang mata sa daan.
“Busog pa ako. Mamaya na lang siguro,” tugon ko.
“Kagabi ka pa kumain, Aleena. Hindi mo pa nga naubos iyon.”
Dumapo ang tingin ko sa kamay niyang nasa kambyo. Halos mapalunok ako sa kaba nang makitang nagsisilabasan ang ugat niya roon. Hindi naman ito gaano kahalata pero sa tuwing hihigpit ang hawak niya sa bagay na ’yon ay nagiging makasalanan ang utak ko.
I focus on the road like what he was doing, ngunit kahit anong titig ko sa labas ay ang kamay niya ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko lubos maisip na ang higanteng kamay na iyon ang lumalaro sa sensitibong parte ng katawan ko noon. Dirty mind, Aleena.
“Saan muna tayo dadalaw?”
Naramdaman ko ang paglingon niya kaya tumingin ako pabalik, sinalubong ang malamig niyang titig. His eyes were always like that, akala mo'y may nagawa kang masama dahil halos bungkalin ang dibdib mo sa kaba kapag titingin siya. It feels like you were murdered just by staring at you.
“Kina Shan muna tayo—”
“Siya agad bukangbibig ah.” Nagtaas ito ng kilay. “Don't tell me may something pa rin. Or you guys still communicating on your socmeds?”
Napakurap nang ilang beses ang mata ko sa dami niyang sinabi. Hindi naman iyon ang gusto kong iparating pero bakit nga ba si Shan agad ang naalala ko sa tanong niya?
“N-no, we're not! Bakit iyan agad ang pumasok sa kukote mo?” matabang kong sabi.
“Ibalik ko sa'yo ang tanong. Bakit siya agad ang lumabas sa labi mo?”
“Hindi kasya si Shan sa labi ko, Kaden—”
“That’s not what I mean!” He demand.
Kinagat ko ang aking labi tila pinipigilang hindi matawa. Anong kalokohan na naman ang naisip ko at sinabi ko pa talaga iyon nang malakas? Gosh, Aleena. Naghahanap ka talaga ng away.
“Okay, I'm sorry. Miss ko lang sila.”
“Really?” He smirks. “Nami-miss mo pa talaga ’yong gagong ’yon pagkatapos ka n'yang paikutin?”
“Hindi niya ako pinaikot, nakakahilo ’yon. Nagsinungaling lang siya tapos niloko ako—”
“Tangina naman, Aleena. Maging seryoso ka naman!” Halos matauhan ang kaluluwa ko sa sigaw niya. I stared at his eyes and all I can see is infuration. “You really miss him that much, huh?”
“No, as a friend lang naman. Ano bang ikinagagalit mo?”
“Ikaw!” I saw his tongue flicked. “There's nothing wrong on missing your friends, but that fucking slut who ruined you? ’Wag mo na s'yang isama.”
“We’re still friends after all, Kaden. Walang masama sa pakikipagkaibigan,” anas ko.
“Walang masama? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin napapagtanto ang lahat ng paghihirap na dinanas mo no'ng siya pa ang kasama mo? Masyado kang mabait sa tao, Aleena. Hindi mo dapat pinapatawad ’yong mga lalaking walang ibang binagay sa'yo kun'di sakit at trauma sa nakaraan mo.”
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomantizmThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...