Chapter 50- Communication

300 3 0
                                    

    Two days had passed. We stayed here in condo for a while to check up on Kei. Gusto muna namin siya samahan para naman hindi niya maramdaman ang lungkot. I know, we can't prevent sadness, but we're doing our best to make her happy. Kahit paano naman ay nakakahagalpak na siya hindi kagaya no'ng dalawang araw na wala man lang kaemo-emosyon ang mukha niya.

    “Aalis na rin kami mamaya ni Alice,” singit ni Kaden sa kalagitnaan ng pagkakatuwaan namin.

    “Bakit? Ang aga naman,” sabi ni Kali.

    “Kailangan na namin kausapin mga magulang namin tungkol sa kasal.”

    “Woah!” sigaw nilang lahat.

    “Bawal bang next year na lang? Paanakin mo muna si Alice,” sabat ni Shan. Wow! Hindi na ’ata siya galit.

    Binalingan siya ni Kaden at umiling. “I’ll be moving on manila after this week. Mag-aaral na ulit ako.”

    “What? Iiwan mo si Alice mag-isa?” He rant.

    “Of course not. I want you to be there with her. Sa bahay muna kayo titira. Napag-usapan na namin ito ni Aleena,” aniya. “Shan, I will trust you this time to take care of my girl. Kokontakin kita kapag may oras ako para malaman ang kalagayan ng Misis ko. Pero ’wag mo sanang akitin, ’wag mong ilayo ang loob ng asawa ko.”

    Pinigilan ko ang aking sarili na hindi matawa. Required ba talagang sabihin iyon sa huli? Saka, kahit naman anong gawin ni Shan para mabawi ako ay hindi ako magpapadala. No matter how far he is, my loyalty won't change.

    “I’m moving on, Kaden.”

    “Good to know.” He smirks.

    “Ang sungit mo naman,” bulong ko sa kan'ya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

    “Syempre, kapag dating sa'yo, iba na ang usapan.” He winked.

    “Alam ko. Pero iwas-iwasan mo naman ’yong titig na akala mo papatay ka.”

    “Hindi naman siya mamamatay sa titig ko. Mamamatay lang kapag inagaw ka sa akin.”

    Hinampas ko siya nang malakas at ang lahat naman ay napatingin sa ginawa ko. I won't say sorry, deserve niyang mahampas.

    “Sino ang ninang at ninong sa kasal?” singit ni Trisha.

    “Oo nga. Dapat kasama kami riyan.” Ngumuso si Kali.

    “Pwede naman. Kayong dalawa ang Ninang at Ninong. Basta hindi ako papayag na kada may okasyon ay wala kayong ibibigay sa anak ko.”

    Tumawa silang lahat. “Hay nako! Si Kali pa ginawa mong Ninong, paniguradong libro lang ang ibibigay n'yan sa bata,” sabat ni Trisha.

    “Hoy ang kapal mo naman! Mas mabuti na ’yon kaysa puro pera ang ibibigay mo. Tuturuan mo lang maging spoiled ’yong bata,” patol nito pabalik.

    “Tama na kayong dalawa. Hindi naman kayo imbitado sa kasal.” Tumawa si Shan at ganoon na rin kami.

    “Manahimik ka, Oliver. Ikaw dapat ang hindi kasama. Security guard ka lang sa labas.”

    Hindi ko maiwasan ang mapahawak sa tiyan ko dahil sa sobrang tuwa. I miss this kind of bonding when I'm with them. ’Yong pagtatalong nauuwi sa harutan at kulitan. ’Yong iyakan na nauuwi sa tawanan. ’Yong tampuhan na nauuwi sa lambingan. Lahat iyon gusto ko muling maranasan kasama sila.

    And now Kaden's leaving me for the good. May pagkakataon na maramdaman ko ulit ang pagmamahal ng mga kaibigan ko. The care, their being supportive and loving person. Ngayon, dalawa na sa amin ang magiging ina. Dalawa na sa amin ang kailangan magbagong buhay.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon