SEASON 2 PART 21

84 2 2
                                    

Case

Napatuwid ako nang upo at lumingon sa gawi niya. “Si Shan? Bakit?” Hindi matago ang pagtataka sa boses ko. Why would Kaden do such a crimen?

“That case is still ongoing. Hindi nagsasalita si Kaden hanggang ngayon.”

Humigpit ang kapit ko sa damo. “Bakit daw?”

He gave me a serious look and heaved a heavy sigh. “Iyon ang pinunta ko rito para sabihin sa’yo na hindi magbibitaw si Kaden hangga’t hindi ka nakakausap.”

Namilog ang mata ko. “E, paano kung hindi ako bumalik dito, edi habangbuhay siyang nakakulong?”

“Hangga’t walang bumubuwis sa kaniya, hindi siya makakalabas.” He licked his lower lip. “I need you to talk to him, Alice. We need him to confess. Nagtataka rin ako, hindi naman niya ’yon gagawin kung walang rason. At simula no’ng insidenteng iyon, hindi na rin namin makita si Shan. May hinala kaming lumabas na iyon ng bansa. We checked the CCTV footage at the airport but we can’t trace him.”

“But Shan is the victim, right?” paglilinaw ko. “Bakit naman siya mawawala nang gano’n kung wala siyang tinatago?”

Tumango-tango siya. “That’s right. Hindi ako sigurado sa naiisip ko pero I think Kaden is the victim here. I’m not sure. Kasi kung wala siyang masamang ginawa, why he’s not confessing? Kung tunay na biktima siya, bakit hindi siya magsalita sa nangyari? Naguguluhan ako kaya you need to talk to him and make him confess.” Pumungay ang mata niya. “Please, Alice. I need your help.”

“Ayokong kampihan si Kaden, Ahkin…”

“We’ll settle for the truth, Alice. We need the truth.”

Nanatili lang ang mata ko sa kaniya. Everything he says makes sense too. May pinagtatakpan ba si Kaden? May mga bagay ba siyang alam na hindi niya sinasabi? Limang taon na siyang nakakulong at ganoon ba talaga kalalim ang tinatago niya?

Tumingala ako at ipinasok ang magkabila kong kamay sa aking bulsa. Ahkin is still standing in front of me, waiting for my agreement. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya at tumango. Maybe I can make him confess. Pero dahil kilala ko si Kaden, hindi niya gagawin ang isang bagay nang walang kundisyon. At sigurado akong hindi siya magsasalita hangga’t hindi ko ginagawa ang utos niya.

Kanibukasan ay parehas kaming maagang nagising ni Ahkin. He prepared the breakfast while I’m reading Kaden case five years ago. Napapahimas na lang ako sa aking noo dahil ang hirap makahanap ng ebidensya kung anong rason ng insidenteng iyon. Kaden is a stubborn man, no wonder why he keep in silence for the whole five years.

Saglit akong napalingon sa gawi ni Ahkin. He’s making a two cups of coffee, napansin ko naman ang perpektong hugis ng itlog sa plato at may bacon din. Hindi ba siya marunong magluto ng ibang putahe? Simula nang makaalis ako sa Pilipinas ay mga pritong pagkain lang din ang alam niyang lutuin.

“Why are you staring?”

Umangat ang tingin ko sa kaniya at nagkunot-noo. “I’m staring at the egg,” medyo matabang kong sabi.

“Oh, sorry!” He posed a peace sign while smiling. Umirap naman ako dahil sa pagkaasyumera niya. Muli kong ibinalik ang atensyon sa binabasa ko, inilapag niya naman ang kape at itlog na may tinapay sa gilid ko. Saglit ko itong tinapunan ng tingin at bumuntonghininga. Hindi ako naglilihi pero ayaw ko ng pagkaing ito.

“May atraso ba ’yung itlog sa’yo? Kanina mo pa sinasamaan ng tingin, e.” Umupo siya sa harap ko at humigop ng kape. He’s looking at me observantly.

“Ayaw ko ng itlog,” diretso kong sabi. Madrama naman itong humawak sa dibdib niya na parang nasaktan ito sa sinabi ko.

“Aray ko, Miss!” He said frantically. “Nag-effort ako sa pagluto n’yan!”

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon