SEASON 2 PART 20

104 0 3
                                    

Past

Nanlamig ang buong katawan ko sa nabasa. Hindi agad ako nakagalaw sa aking kinauupuan. Sinampal ko ang aking sarili, baka namamalikmata lang ako, baka mali lang ang nakikita ko.

From: Tita Rose

Aleena...naaksidente si Preston.

Nasa hospital kami ngayon na pinagtatrabahuhan niya.

Agad kong isinukbit ang aking bag sa balikat ko at naluluhang tumakbo palabas. May ilang guro ang tumatawag sa akin dahil time na pero hindi ko sila nilingon. Kailangan ako ni Preston. Kailangan niya ako ngayon.

Hanggang sa paglabas ko ng gate ay umiiyak ako at natataranta. Nanginginig ang kamay kong pumara ng taxi at sinabi ang destinasyon ko. Maski si Manong ay napapalingon sa akin dahil sa pagtataka.

Please, Preston. Hindi sa ganitong paraan.

Nang makarating ako sa Hospital na sinasabi ni Tita ay nagtanong agad ako sa nurse kung nasaan si Preston at agad naman iyon sinabi sa akin. Muli akong tumakbo papuntang operating room at nakita ko roon si Papa, nasa tabi niya si Tita Rose na nakapatong ang magkabilang siko sa tuhod.

Lumapit ako sa kanila na pugto ang aking mata. I look at them and Papa shook his head. Napaluhod ako at sinapo ang aking dibdib.

"Napuruhan ang ulo niya, Alice. Maraming dugo ang nawala sa katawan niya. Kanina pa kami narito pero wala pa ring balita ang Doctor."

Parang gusto kong saktan ang sarili ko. Is this my fault? Kasalanan ko ba kung bakit nandito siya ngayon? Because I'm acting cold to him for almost one and a half year, hindi na ba niya kinaya ang sakit na nararamdaman niya dulot ko? Did I cause this accident?

"B-bakit, Pa? A-anong dahilan?" Hindi maitago ang hapdi sa boses ko. Napakaraming bumabagabag sa utak ko at isa na ro'n ang sisihin ang sarili ko.

"He bought roses and cake for your anniversary tomorrow, Aleena," sagot niya.

Hindi na ako nakasagot. I felt my heart shattered into pieces. I know it's me, I know it's my fault. Sobra ang pagmamahal sa akin ni Preston pero hindi magawang suklian. Sobra ang pag-aalaga niya sa akin pero binabaliwala ko lang. I hate myself for being mean to him. At ngayon, naaksidente siya nang dahil sa akin, hindi ko alam kung paano hihingi ng tawad sa kaniya.

I feel so obligated. I feel so guilty. Hindi niya deserve ang trato ko sa kaniya. He don't deserve to wait a woman like me. Ako ang dahilan ng pagkawala ng memorya niya. Ako ang dahilan ng pagbabago niya. Ako ang dahilan ng pagkawala niya sa lahat. He lost everything because of me. His good memory vanished because of me.

Dalawang taon na ang nakalipas at napakarami ang nagbago sa buhay ko simula nang hindi na ako maalala ni Preston. Nakapagtapos ako ng kolehiyo nang walang siyang bumati sa akin, walang nagbigay ng bulaklak at walang sumalubon ng halik. He used to do that before but because of me, I lost him. I lost the person who can understand me. I lost the person who's willing to pursue me.

Ang anak namin na si Luke ay itinago ko sa kaniya matapos niyang tanggihan ito. It broke me...it broke me so much. Para akong tangang habol nang habol sa kaniya kahit alam kong wala na akong mapapala. Dalawang taon kong sinubukang ipaalala sa kaniya ang lahat pero nasasaktan ako tuwing sinasabi niyang hindi ako interesadong maalala't makilala ka.

Hindi na siya 'yung Preston na kilala ko. Hindi na siya 'yung lalaking pinakasalan ko. Hindi na siya 'yung lalaking napakabait at maginoo. He rarely smile but that wasn't for me. Dahil sa tuwing nakikita niya ako ay nagbabago ang ekspresyon sa mukha niya. Sa tuwing nakikita ko siyang nagtatrabaho ay gusto kong lumapit. Gusto kong ipilit ang lahat. Gusto kong humingi ng tawad sa mga pagkakamali ko.

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon