It's already 11 pm in the evening and I still can't sleep. Panay ang palit ko ng posisyon sa kama. Uminom na rin ako ng gatas dahil nakakatulong iyon para makatulog agad ako. But it didn't work. Mas lalo pa nga akong hindi mapakali.
“Hon, anong oras na mulat pa rin ang mata mo.”
Humarap sa akin si Kaden. Hindi ko man masyadong aninag ang mukha niya pero alam kong nakakunot ang noo nito. Lumapit ako sa kaniya at isinubsob ang sarili sa dibdib nito. It's always warm. Parang hindi tinatablan ng lamig ang katawan niya. Everytime I hold his hand, it's making me calm and safe.
“Hindi ako makatulog. Uminom nga ako ng gatas pero hindi tumalab,” wika ko.
Saglit siyang kumalag sa yakap ko at tumayo para buksan ang ilaw. I sit properly as he looked at me with his furrowed eyebrows. Nakonsensya agad ako dahil sa hitsura pa lang ay mukhang naistorbo ko ang tulog niya.
“Pwede ka namang matulog ulit. Baka antukin na rin ako mamaya.”
Hindi siya umimik at tumabi na lang sa tabi ko. He open his arm widely giving me a sign to lean on it. Lumapit ako at ginawa ang pinapahiwatig niya. I rest my head on his chest and I heard the rhythm of his heartbeat. Mabagal at kalmado. Nakakarelax at masarap sa pandinig.
“Sasamahan kita. Hindi naman pwede 'yong asawa ko ay gising na gising samantalang ako ay mahimbing na ang tulog. My eyes are open until you got asleep.”
Hindi ko napigilan ang labi kong ngumiti. Hanggang sa pagtulog ba naman ay ang tamis pa rin ng pinagsasasabi niya. I can't sleep when he's like this.
“Mukha kasing naistorbo kita.”
“You didn't. Ako ang kusang nagising at hindi ka naka-istorbo,” sabi niya habang hinihimas ang binti ko. I'm getting fat at pansin ko iyon dahil mapayat lang naman ang hita ko noon. Halata na rin naman dahil nagkakalaman na ang braso ko na halos kalahati lang ng malaking kawayan noon.
“I want pancake. Can you cook it for me?”
A wide smile form on his lips. Agad namang bumakas ang kuryosidad sa mukha ko dahil sa hitsura niya.
“Really? You want pancake?” He chanted.
“Oo. Bakit? Anong meron at ang saya mo naman ’ata?”
He licked his lower lip at napadapo naman ang mata ko ro'n. Nang mag-angat naman ako ng tingin sa kaniya ay mukhang nang-aasar na ang ekspresyon nito. I made face and shrugged. Bakit lagi ko na lang hindi alam ang naiisip ng gunggong na ’to? He always move or act suspiciously. Pakiramdam ko tuloy ay sinasapian siya ngayon.
“What's on with that look?” I raised an eyebrow.
“Nothing. Nahuli ko lang ’yong titig mo sa labi ko.”
Umiling-iling ako at bumuntong-hininga. “Was that a big deal?”
“No. Naisip ko lang na baka gusto mo ng halik ko. Pwede naman. Infinity time pa.” Kumindat ito at ngumisi.
“’Yong pancake ko, lutuin mo na.”
“Yes, Ma'am. Your husband as your service.” Ngumiti ito at nadala ako ro'n. Ang kintab palagi ng ipin na para bang lahat ng kinakain niya ay dudulas. He stood up and lend me a hand. Malugod ko namang tinanggap iyon bago sumunod sa kaniya palabas.
He prepared all the ingredients and the needed equipments. Wala kasi ngayon si Fafnir dahil pinauwi muna ni Kaden sa probinsya nila para makapagbakasyon. No'ng una ay tumanggi pa pero sa huli ay wala naman siyang nagawa. And I know, if I'm not here. Kay Fafnir pa rin siya aasa para pagsilbihan s'ya sa lahat ng oras.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomanceThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...