SEASON 2 PART 7

53 0 0
                                    

Scared

Lumipas ang ilang araw na nakatunganga at kumain lang ako sa bahay kasama si Kei. Minsan naman ay nagtitingin kami sa online shop na gamit ng pambata. Minsan naman ay umuuwi rito si Hans kasama ang iba pa niyang mga tropa. Mabuti na lang ay wala si Kaden dahil paniguradong mamamatay ako sa galit kapag nakita s'ya.

Umakyat ako sa aking kwarto at kinuha ang mga bag at maleta kong walang laman para mag-impake. Bukas kasi ako uuwi sa amin para kasabay ko si Papa na pumunta ng Canada.

Napahinto ako sa aking ginagawa at tumulala sa mga damit. Naalala ko si Kei. Iiwan ko siyang mag-isa rito. Ako na lang ang meron s'ya pero lalayo pa ako sa kaniya. My clothes crumpled when I clenched my fist. Handa na ba talaga akong umalis?

Marahan akong umupo at napadapo ang aking mata sa lamesa kung saan nakatayo roon ay picture frame namin ni Kaden noong ikinasal kami. He was holding my waist while his lips were on my forehead. Nakapikit pa ako roon at nakangiti tila dinadamdam ang paghalik niya sa noo ko.

Mahigpit akong napakapit sa aking dibdib nang magsimulang pumatak ang mga luha sa aking mata. Halos bumalik lahat sa isip ko ang mga ala-alang nagawa namin. Pero mas tumatak sa utak ko na lahat ng iyon ay puro kasinungalingan at pagpapanggap lamang.

Alam ko naman no'ng una pa lang na papakasalan niya lang ako dahil sa bata at hindi dahil sa mahal niya ako o gustong makasama hanggang sa huling araw ko sa mundo.

Marahan kong hinimas ang aking tiyan habang walang tigil sa paghikbi.

"I'm sorry, Anak. Pasensya ka na kung hindi ka magkakaroon ng kumpletong pamilya. Pasensya na kung ilalayo kita sa Tatay mo. Kailangan ni Mama, e."

Nanghihina ang boses ko habang binabanggit iyon. Nasasaktan ako para sa anak ko at hindi sa sarili ko. Ayokong magaya siya sa akin na hindi kumpleto ang pamilya. Na sa batang edad ay nawalan ng ama. Na sa batang edad, walang Tatay na sumusuporta sa kaniya hanggang sa paglaki.

Nangako ako kay Mama kahit wala na s'ya. Nangako ako sa kan'ya na kailangan maganda ang buhay ko at may maayos na pamilya. Nangako ako sa kan'ya na hindi ko ipaparanas sa magiging anak ko ang nangyari sa amin. Pero wala, ramdam ko ang pagiging palpak ko sa lahat ng bagay.

Hindi ko naituloy ang pag-aaral ko. Masyadong nagpakatanga sa lalaking hindi naman ako kayang panagutan. Nagsayang ng luha sa mga pangakong napako. Nag-aksaya ng oras na dapat sa sarili ko na lang ibinigay. Lahat pinagsisisihan ko. Lahat-lahat.

He always comeback and I always let him in even I'm so fucking tired of his shit. Iniisip ko, para sa anak namin ito kaya ko kinakaya. Iniisip ko, ayaw kong lumaki nang walang ama at kumpletong pamilya ang anak ko dahil hindi naging madali ang pinagdaanan ko.

Mahina akong tumayo habang pinupunasan ang luha kong walang tigil sa pagpatak. I'll live far away without him. I deserve a better and peaceful life. May anak na ako, may bata na akong mas dapat kong pagtuunan. I want to change everything I left behind. Lalaban ako, tatayo muli ako para magsimula.

Gusto kong makita ni Kaden na mali siya ng pinaglaruan, na mali siya ng niloko. Kaya kong patunayan sa kaniya ang mga bagay na sinayang niya habang magkasama kaming dalawa. Gusto kong makita kung paano siya magsisi, kung paano siya magdusa sa ginawa niya.

I want him kneel. I want him plead. I want him to suffer. I want him to feel the pain he was giving me. I want him to cry. I want him to face his own karma. Dahil sa muling pagbabalik ko ay sisiguraduhin kong ibang-iba ang magiging buhay ngayong wala siya. I will pick my power once again and will make him see the real me.

I will wear my crown again and sit on the throne I left just for him. I will be successful on my own, and raise my child alone.

"Alice."

Over All the Noises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon