Break
Umalis siya sa pagkakayap at siniil ako ng mainit na halik. Nasa kaliwang pisngi ko ang kamay niya habang ang isa naman ay nasa batok ko. Tumigil siya at tumingin sa aking mga mata. Kita ko ang awa rito, mas lalo akong nasaktan. Kahit kailan ay hindi ko nakita sa mata niya ang awa sa akin. Never niya akong tinitigan na parang kaawa-awa akong nilalang.
"Yes, Love. I won't leave. Hindi ko kayo iiwan ng anak ko. I'm sorry...please, don't cry."
Binasa ko ang labi ko at mariing pumikit. Sinundan niya ang mukha ko at yumuko rin siya. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ito para magtama ang mata naming dalawa.
"Preston, kinakaawaan mo na ba ako?" Nakita kong umawang ang labi niya at nanlaki ang mata. Hindi ko siya tinatanong tungkol sa ganito dahil hindi ko siya nakitaan ng kakaiba. Pero ramdam ko sa kaniya na gusto niyang bumalik ng Pilipinas para sa magulang niya.
"Aleena..." Marahan kong tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko at tumango-tango. "No, baby...no."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at lumunok. "Magmaneho ka na kung saan mo kami balak dalahin ni Ali. Marami pa akong gagawin pag-uwi."
"Baby..."
Walang emosyon ko siyang tinignan at nakita ko namang ang pagbagsak ng balikat niyang lumingon sa kalsada. Pinaandar niya ang kotse at tinuon ang atensyon sa kalsada. Muli ko namang binalingan ang anak ko na nakatulog na sa aking dibdib habang hawak-hawak pa rin ang laruan niya.
*****
Ginising ko ang anak ko nang makarating kami sa isang parke. Medyo maliwanag pa naman kaya maraming mga tao at bata pa rin ang namamasyal dito. Nilingon ko si Ali na nagpupumiglas sa kamay ko dahil sa tuwa.
"Tuwang-tuwa ang baby ko ah!" Ngumiti ako at hinalikan ang napakalambot niyang pisngi. "Magp-play rin tayo mamaya pero hindi ka pa pwedeng tumakbo, Anak. Wawalong-taon ka pa lang."
Binaliwala niya ako at ibinato ang laruan niya sa hindi kalayuan. Nagulat ako nang may batang natamaan kaya napatingin sa akin ang magulang ng bata nang bigla itong umiyak. Agad na humarang si Preston sa harap ko at pinulot ang laruan.
"Napakasalbahe naman ng batang iyan, binato niya ang ako!" nayayamot na wika ng babae at akma pa akong sugurin sa gilid nang hinawakan ni Preston ang braso niya at marahang inilayo sa akin.
"Mawalang galang na ho pero hindi naman sinasadya ng anak ko na ibato sa anak ninyo ang laruang ito." Patukoy niya sa barbieng hawak niya. Tumingin ang babae sa kaniya at nagpamewang.
"Ikaw ba ang asawa ng babaeng iyan? Hindi man lang marunong humingi ng pasensya sa anak ko!" Duro niya sa akin at hinarang muli ni Preston ang kamay niya para hindi ako maabot.
"Hindi naman ho kasalanan ng asawa ko ang nangyari. Sinabi ko naman na hindi sinasadya na matamaan ang anak ninyo. Nasabik lang din ang anak ko sa nakita dahil ngayon lang kami nagpasyal dito."
Sumimangot na lang ang babae at pinuntahan ang anak niyang patuloy pa rin sa pag-iyak. Hinarap ako ni Preston at tumingin kay Ali na inaabot ang laruan sa kamay niya.
"I'm sorry, ako dapat ang humingi ng sorry sa kaniya."
Umiling-iling si Preston at hinimas ang pisngi ko. "Wala kang kailangan ipagpaumanhin, Aleena. Wala kang kasalanan. Bata pa si Ali at wala siyang alam sa mga ginagawa niya. Pasensya at pagiging maunawain lang kailangan natin."
Ilang minuto pa bago kami nakahanap ng puwesto namin. Nagpaalam naman muna ako kay Preston na siya na muna ang bahala kay Ali dahil bibili lang ako ng pagkain namin. Nagpupumilit pa ito na siya na raw ang gagawa at manatili na lang ako sa puwesto namin pero masyadong matigas ang ulo kaya wala siyang nagawa.
BINABASA MO ANG
Over All the Noises
RomansaThere will be a season 2 of this story! Struggling to build a new life after losing everything. She never been happy after his father abandoned her with her Mom at the young age. And many years passed, her mother married a new man which is only maki...